3

1K 19 0
                                    

Kumakain kami ni Kuya ng dinner ng may ibinigay sya sa aking folder.

'Ano yan? Pamana? Bakit mamamatay ka na ba kuya?'

Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.

'Sira. Nakita ko lang yan sa mailbox kaninang umaga. Para sayo yan.' -Kuya

'Ganun? Bakit ngayon mo lang ibinigay?' Tanong ko sa kanya.

'Nakalimutan ko. Teka patingin nga.' -Kuya. At kinuha nya yung folder na nakalapag sa mesa na katabi ng plato ko. Binuksan nya naman ito at binasa.

'School Address to ah. Bakit may ginawa ka na naman bang kalokohan?' Sabi nya at tinignan ako sa mata.

Iniwas ko naman ang tingin ko at sumipol sipol.

'Wala ah. Bakit ano ba yan? Patingin nga.'

Sabi ko at kinuha pabalik yung folder.

School nga. Teka. Eto yung school na gustong gusto kong puntahan. Astig.

'Ge Kuya aakyat na ko at matutulog.' Sabi ko ng matapos ako kumain at hinalikan sya pisngi. Bahala na sya dyan. Sya na maghugas ng pinagkainan. HAHAHAHA

May bagay talaga na hindi ko maiwasang hindi isipin at bigyan ng pansin.

Matutulog na naman ako mukang bagong kabanata na naman ang mangyayari sa panaginip ko. Pero ayoko matulog kasi sa tuwing magigising ako sa panaginip na yun kung hindi ako luluha ay sasakit naman ang aking ulo. Nakakapeste na. Pilit akong iniuugnay ng panaginip kong yun sa pagiging isang prinsesa. Isang nawawalang prinsesa ng mayamang kaharian. Napakaimposible. Eto ako at hindi pwedeng maging prinsesa. Dahil na din sa panaginip na iyon naaabala pati pagtulog ko, kaya nga eto at umepekto sa aking pag iisip. Hahaha

'Hayyy ano ba tong mga iniisip ko, nasobrahan na ata ako sa mga kalokohan.' Sabi ko at tinampal ang aking noo.

Sinubukan kong matulog ng walang iniisip pero hindi ko kaya. Ganun pa man kusa na rin napagod ang utak ko sa pag-iisip at nakaramdam na ako ng antok.

*************

Paglabas ko ng office dumiretso ako sa bench para isipin yung sinabi ni Maam Espinosa. Sya pala ang nagpadala ng folder na yun. Ayun na ba ang sinasabi nyang parusa? Malayo ito sa iniexpect ko. Bakit naman kaya pumasok sa kokote nya na pansamantalang pag aralin ako sa school na yun.

Nakausap nya na daw si Kuya at pumayag ito. Kung tutuusin may part sa kin na gustung gusto sa school na yun pero gusto ko sa sarili kong kakayahan.

Kaya ko namang manggulo dun kahit kaylan na gusto ko pero hindi ko lang magawa dahil busy ako. Given the fact na panggugulo lang ang gusto kong gawin doon at hindi para mag- aral. Ayoko na nga mag-aral eh ewan ko ba kay kuya at pilit ng pilit sa akin.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong natututunan e ako pa mismo ang nagtuturo sa kanila ng ibang bagay.

Dumiretso ako sa room para kunwari ay huwaran akong mag-aaral.

Hinanap ng mata ko si Mica pero hindi ko nakita. Ano yun? Suspended pa rin ba yung gagang yun?

Dahil wala naman si Mica dun ay napagdesisyonan ko na lumabas na lang ng room para mag cutting ulit pero.. pero wala na nakita ako ni Mr. Picasio at pilit na pinabalik ako. It's WTF day. Masasayang na naman ang buhay ko dahil sa pesteng to.

Bukas na pala yung punta ko sa school na yun. Nakakaantok. Ibinagsak ko ang ulo ko sa table ko at tinulugan si Mr. Picasio.

********
'Eto na yung magiging uniform mo para bukas.' Sabi ni Kuya at hinagis sa mukha ko yung uniform.

The return of the Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon