7

486 17 1
                                    

I am with Idiot now. That's it. Nakalimutan ko na ang drama, in the first place alam ko naman talaga lahat, and I am the one who's playing here. Pero di ko inaasahang may pamilya talaga akong pinagmulan. Makapangyarihang pamilya to be exact, all I know was I have magic, nothing more.

Let's just see how will it go. How long will it take. I smiled with the thoughts.

I am the princess. Gagawin ko lahat ng gusto ko.

'Psst.' Sitsit ko sa kasama ko.

Hindi man lang lumingon. Hays

Tinusok ko yung tagiliran gamit ang aking hintuturo.

'Anong pangalan mo?' Tanong ko.

Lumingon naman ito saglit at pinako ulit ang atensyon sa daan.

'Why asking?' Sabi nya.

AYY WIT KABOG.

'Why asking? Oh nice. Ah so what are you? Are you German, American, Italian, Sea food, Ramen or Hot and spicy? Cause u know sometimes, I'm bleeding the nose. Can you speak speak more more tagalog?

Sabay halakhak ko. Para naman palang tanga to, kagwapo gwapo eh.

Well kung iisipin naman, hindi ko pa naman sya nadidinig magsalita ng madaming English pero kasi yung accent nya. Mamahalin. Haha

Pati sa mga tumatakbo sa isip ko natatawa ako.

Tinignan ko ulit sya pero poker face ang pota.


******

Pagdating namin agad sa bahay nya, may sinabi sya.

Meron daw akong mga bagay na dapat sabihin sa kanya. Pagkasabi nya non, pumasok sya sa kwarto nya. Naituro nya din naman kung saan ang magiging kwarto ko.

So ayun, minabuti kong pumunta na lang sa sinasabi nyang kwarto ko.

Pinagiisipan ko kung sasabihin ko na ba sa kanya ang mga bagay bagay. Pero baka mabigla sya at layuan ako. Di ko alam.

Ipagpabukas ko na lang at pag iisipang mabuti.

Matutulog ako ng may madaming isipin.

"Wag kang magpalinlang sa kung sino man mahal na prinsesa." Sabi ng maliit na nilalang na may kumikinang na pakpak.

"Sino ka?" Tanong ko dito.

Pero imbes na sumagot lumipad ito pataas na naglilikha ng isang makinang na tanawin.

Ang gubat na aking kinalalagyan ay tila ba mabilis na naging isang paraiso.

"Malapit na tayong magkita kamahalan."

Pinal na sabi nito at lumipad ng muli pataas hanggang sa hindi na ito tanaw ng aking mga mata.

************

Pagkagising ko, agad akong naghilamos at nagbihis para naman presentable ako sa mga mata ng lalaking yon.

Syempre kahit halatang ako lang ang attracted sa kanya, kailangan naman umasta ako na may kunwaring poise.

Hindi lang naman ako sa kanya lang nagkacrush pero bakit parang gusto kong magpaanak sa kanya ng tagpi, mga lima.

Saan kaya nakatusok espada nya. Sana doon sa masarap na parte ng katawan nya.

Bago pa man makarating sa malayo ang mga pinagiisip ko minabuti ko ng libutin na lang ang bahay nya kasi kanina nagmamadali syang umalis. Hindi man lang nagpaalam ng ayos. Nakakiss sana ako.

Ipinilig ko ng ipinilig ang aking ulo dahil nga sa mapolusyon kong pag iisip.

Ibinaling ko na lang atensyon ko sa kabuuang design ng bahay na to.

Ang ganda ng bahay nya, triple sa bahay ng Kuya kong mokong.

At dahil nga umaga, malamang nagutom ako so ayun nagbihis ako para sana umalis at kumain sa labas. May nakita naman akong mall na dinaanan namin kagabi. Malayo layo pero ayos lang.

Nagdress ako ng kulay maroon. Simple lang talaga kung tutuusin. Mayroon akong itim na bilog na hikaw na lagi kong suot. Madami syang kagaya pero alam kong madami itong pinagkaiba kaysa sa kanila.

Maghihintay na lang ako sa labas kung may dadaang sasakyan at makikisakay na lang ako. Wala naman akong sasakyan. Di rin naman ako si Matteo Do at lalong hindi ako si Kim Shin ng Goblin. Magic ang meron ako at yun ang gagamitin ko para kahit papaano makaraos ako.

Hindi naman ako nagkamali dahil meron ngang sasakyan ang dumaan.

Truck.

Malayo ko pa lang itong natanaw ay mabilis akong humarang sa gitna ng daan.

*Beeeeeeppp

"MAGPAPAKAMATAY KA BA INENG!" Sigaw nung matandang driver.

Sumagot naman ako kaagad.

"HINDI PO! MAKIKISAKAY LANG PAPUNTANG LABASAN!"

"SYA SIGE SUMAKAY KA NA!"

Tumakbo ako papunta sa pinto ng sasakyan. Pagbukas ko,

Ang mukha ng matandang lalaki kanina ay unti unting naging nakakatakot na nilalang. Mayroon itong dalawang maliliit na sungay, maging ang kulay nito ay nagbago naging dark brown ito at magaspang kung titignan.

May mga salita itong binanggit. Isang salamangka. Salamangka na nakapagpahina ng lubos ng aking katawan.

Naramdaman kong naglupasay ako sa semento, bumaba ito ng sasakyan at dahan dahan lumapit sa akin.

"Nagapi ka na rin namin, minamahal nilang prinsesa." Malademonyong sambit nito na tila hindi maialis ang ngisi sa kanyang mukha.

Kung titignan halos kumislap na ang mga mata nito dahil tuwa na nahuli niya ako.

Sumipa bahagya ang konsensya ko. Tinanong ko ang sarili ko kung hahayaan ko ba syang maging mukhang masya o putulin ko na para ako naman ang sumaya.

"Mamatay ka na... mamatay ka na.." Nakangisi ding sabi ko, bago ko isinaksak ang aking mga kukong nag anyong katana sa kanyang leeg.

Halata naman ang pagkagulat nito.

"Elpeiso keindantro ganern..." Bulong ko sa hangin.

At unti unting naglaho ang kaninang kakaibang nilalang.

Naramdaman ko namang uminit ang hikaw na suot ko sabay din non ang malakas na pagtunog ng tiyan ko.

Wag muna ngayon. Hindi pa ako kumakain. At kailangan ko ng kumain.

Tinignan ko ang damit na suot ko na nadumihan na at natuluan ng itim na dugo mula sa pagkakatarak ko ng aking mga daliri.

Hindi na ako tutuloy sa mall. Tinanaw ko ang bahay ng lalaking estranghero at binaybay ko ang daan pabalik dito.






******

Vote. Comment. Follow for the next update.

The return of the Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon