Pwe. Naiinis ako. Bakit ba ako sinama ni Kuya dito. Alam nya naman na ayaw ko sa mga babae lalo na kapag girlfriend nya. Lalo naman tong isang to na nasa harapan ko habang kumakain. Napaka arte. Masama ang loob ko sa babaeng ito dahil inismidan nya ako kanina. Feeling nya ba gusto ko sya para sa kuya ko? Mamatay sya sa pangarap kasama ng durog nyang nguso. Tinignan ko naman si Kuya, yung kaninang masayang ngiti nya napalitan ng pagaalinlangan. Ang sama tignan. Ang sakit sa mata.
Tumingin si kuya sa akin na para bang kaylangan nya ng tulong. Problema nito? Nakikita ko na sa mukha ni kuya na naiirita sya lalo na nung hinaplos ng garapata yung dibdib nya. Srsly? Sa harap ko pa. Tinignan ulit ako ni kuya at sinenyasan nya ako na lumabas na. Hindi naman ako nagpatinag. Nanatili lang ako sa pwesto ko hanggang sa sobrang nairita na lang ako at kinuha ang bote ng bukas na wine.
'Oh my god! Anong ginawa mo?!!' Tanong nung maarteng babae sa akin ng buhusan ko sya ng wine.'Ang panget mo para sa kuya ko. Letse ka.' Bulong ko sa kanya.
Gulat na gulat naman sya sa ginawa ko. Dapat magpasalamat sya sa akin kasi hindi ko sya sinilaban.
'Lets go princess.' Sabi ni kuya at inakbayan ako palabas.
'Grabe kuya, wala ka talagang taste sa babae. Nakakadiri ka.' Asar na sabi ko kay kuya.
'Nandiri din ako Alex.' Natatawang sabi nya.
**School**
'Where's Ms.Shin?' Tanong nung teacher namin. Bakit ba hinahanap nya yung babaeng yun. Nagtinginan naman yung mga kaklase ko sa akin.
'what?' I mouthed.'Wala pa po sya.' Sagot naman nung isa kong kaklase, Bakekang ata pangalan nun.
Tumango tango lang naman ako at binaling ko ulit ang atensyon ko sa picture ng isang prinsesa.
Naramdaman ko na naman na nakatingin ang mga kaklase ko sa akin oh well kasama na rin si Maam.
'Yes? What can I do for you?' Tanong ko kay Maam Erlinida. Inirapan lang naman nya ako. Woah. Pa teenager si lola.
'Do you know where is Ms Shin?' Lumbay na tanong nito.
'Ahh si Mica? Wala sya nasa Europe sya ngayon.' Nasa Europe sya.. nagtatanim ng kamote. HAHAHAHA
'I see.' Sabi nya. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa picture ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Mica. Parang slow motion naman na tumingin si Maam pati ang mga kaklase ko sa kanya.
'Ms.Ventura!' Biglang sigaw ni Maam.
'Oy friend nakauwi ka na pala? Kamusta sa Europe? Na-miss ka ni Maam.' Natatawang sigaw na tanong ko kay Mica nagtawanan naman yung mga kaklase ko ng makabawi na sila sa slow motion thingy.
'Get out of my class. NOW!!'
Taas noo naman akong tumayo at nagsalute kay Maam.
'Get out of my class nye nye' Panggagayang asar ko kay Maam napahawak naman ito sa batok nito at mariin na napapikit. Sus drama.'Tarantado ka talaga.' Bulong ni Mica sakin ng magkasalubong kami. Bungisngis lang ang nagawa ko.
Bakit ba kasi ganun sila? Masyado silang hot sa buhay nila, bakit kaya hindi nila enjoy-in ang buhay o edi sana close ko sila. Wala pang kalahating oras na naupuan ko yung upuan ko napalabas na agad ako. Nga pala, yung eskinitang yun babalikan ko pa yun para kasing nanaginip lang ako ng mga oras na yun e, masyado akong naguguluhan.
Tinignan ko yung pader na aakyatin ko na naman.
'Hindi ko akalaing mapagtyatyagaan kitang pader ka.' Parang baliw na sabi ko sa pader habang hinihimas ito.