5

639 20 0
                                    

Minulat ko ang mga mata ko para makita ang isang simple pero malawak na kwarto. Nakasara ang bintana at natatakluban ng makakapal na kurtina pero mararamdaman mo pa din ang lamig.

Tinignan ko ang buong kwarto. Kaunti lang ang gamit pero halatang mamahalin. Bumangon ako para suriin ang mga gamit ng kwartong to. Kakaiba sila sa aking paningin.

Isinadsad ko ang mga daliri ko sa mga bagay. Malinis. Sobrang malinis. Wala ni isang dumi o alikabok.

Pero ang pinaka kumuha ng atensyon ko ay yung isang pinto. May ginto itong kulay at ewan ko ba kung sadya itong kumikinang.

Sa sobrang curiosity ko, naglakad ako papalapit dun sa pinto. Hinawakan ko yung knob at pinihit ito.

May biglang malakas na pwersa ang tuluyang nagpapasok sa akin sa loob. Para akong hinihigop, para akong nakasakay ng ferris wheel sa isang peryahan. Hinihigit ang kalamnan ko. Napapikit ako ng mariin sa takot at kaba sa kung ano bang nangyayari.

Nakapikit pa din ako ng nararamdaman kong ok na. Wala na yung parang may humihigit sa akin.

Minulat ko yung mata ko para lang makita na pabagsak ako sa sahig.

'Ahhhhhhh!!!' Sigaw ko ng gumalabog ako sa sahig. Walanghiya. Ano bang buhay ang meron ako?! Konting konti na lang magpapa albularyo na ako.

Napakamot ako sa bandang puwetan ko. Ang sakit. Putspa.

Nag angat naman ako ng tingin ng maramdaman kong may mga nakatingin sa akin.

Nakakita ako ng mga babae, Hindi lang basta babae. Nakauniform sila ng pangkatulong pero luma ang kanilang damit. Luma. As in luma. Yung parang pormahang medieval. Makakapal ang suot nila tapos mahahaba. May head dress din sila.

'Taga ibang mundo!'  Sigaw nung isa na may hawak pang sandok.

Weeds. Weeds pa more. Haha para silang sira. Ibang mundo daw. Insane.

'Hahahahahahahahaha..' Hagalpak kong tawa habang nakahawak sa tiyan ko.

'Marahil ay wala na sya sa kanyang katinuan.' Sabi nung isang may edad na.

Napaismid naman ako at tumingin ng masama dito.

'Tignan ninyo! Isang kapangahasan ang tumingin ng ganyan sa nakatatanda.' Sabi nya.

Nagtanguan naman ang mga kasama nya.

Weirdos.

Tumayo naman ako at inayos ang uniform ko. Yes. Nakauniform pa din ako.

Napahagikhik naman ako ng makaisip ako ng kalokohan.

'Abuchikek ek ek ek. Chong kwoil la.' Sabi ko sa kanila habang pinipigilan ang tawa ko.

God. This scene is killing me.

Napakunot noo naman sila. Halata mong hindi nila ako naiintindihan. Maski nga ako hindi ko alam ibig sabihin ng kantang yon. Hahaha

Nakita kong may ibinulong yung pinaka matandang babae sa isang babae na halos ka edad ko lang. Lumabas naman agad yung babae pagkatapos syang bulungan ng tander.

Ah! A thought came to my mind. Alam ko tong scene na to, parang sa TV lang madalas. Mga sinaunang tao sila, napunta ako sa kabilang mundo. May mga bagay akong alam na hindi nila alam. May mga bagay na meron ako na wala sila.

The return of the Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon