Chapter 2

129 1 0
                                    

Ding Dong ! Ding Dong !

Tumayo si Phoebe mula sa pagkakaupo sa sofa at binuksan ang pinto.

"Hay grabe ! Ang init !" Pagrereklamo nito.

"Teka,ikukuha kita ng malamig ng maiinom bago tayo umalis"sabi nya.

"Sige salamat"

Pumunta ako ng kusina at pinagtimpla ito ng juice,pagbalik nya sa sala ay nakita nya itong nakahiga,nilapitan nya ito at binigay ang juice.

"Salamat"

"Tara na ? " tanong nya rito ng matapos itong uminom.

"Sige tara" sabi nito.

~~~~~
"Grabe ! Ang sakit na ng paa ko !"sabi nya sa isip nya lamang.Ito kasing si eleine ay lahat na ata ng boutique ay pinasok nito.Para tuloy gusto nyang pagsisihan ang pagsama nya rito.

"May problema ba Phoebe ? Wala ka bang bibilhin ?" Tanong nito.

"Wala,wala akong budget eh,wait c.r. lang ako"

"Sige,dito lang ako,hintayin nalang kita"sabi nito sabay patuloy na namimili ng damit.
~~~~~~~

Naglalakad na sya papuntang c.r. ng may nakita syang music box,ang ganda nito at parang ang sarap titigan...kaya lang wala pa kasi akong budget e...Nagpatuloy na akong maglakad papuntang c.r. nang may mabangga sya at may mga nagkalat na papel..

"Sorry ! Sorry ! " sabi nya sabay pulot ng papel..

"Okay lang...nagmamadali rin kasi ako"sabi nito.

"Ito oh,pasensya na" sabi nya ulit sabay tingin dito.Napatulala sya ng makita nya ang kabuuan nito...matangos ang ilong nito,manipis ang mga labi at kulay pink iyon,napaka kinis rin ng mukha nito na akala mo ay parang walang pores,matangkad din ito,dahil hangang balikat lamang sya nito,ang ganda din ng built nito...5'5 lamang ksi sya..
"Sya na ! Sya na talaga ! "

Sabi nya sa isip nya..

"Miss ?"

Tsaka pa lamang bumalik ang diwa nya sa pagtawag nito.

"ahm,sorry ! Ano nga ulit yun !? "Parang baliw na sabi nya.

"Okay lang yun,Blake nga pala"Pakilala nito sabay abot ng kamay nito.

"Ahm,Phoebe"Sabi nya sabay abot ng kamay rito.

"Sige,mauuna na ako,nice meeting you ! " Paalam nya rito sabay alis agad-agad..

~~~~~~

"Oh,bakit ang tagal mo ?"Tanong ni eleine ng makabalik ako mula sa c.r.

"Haba ng pila eh"Pagdadahilan nya na lamang,ayaw nyang magkwento rito ng nangyari kanina,nakakahiya talaga ang pagkatulala nya sa lalaking iyon...at siguradong pagtatawanan lamang sya nito,tsaka na pag nakapag move on na sya...

"Tara na,lunch na tayo" Aya nya rito,sabay hila na rito.

Open your heart to meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon