Chapter 6 (Blood)

34.4K 980 68
                                    

CHAPTER 6

NILIPAD ng hangin ang mahaba niyang buhok. Hindi niya iyon alintana dahil nag-aalala siya sa biglaang pagloloko ng makina ng bangkang sinakyan niya patungo sa bayan.

"Manong, maaayos mo ba?" tanong niya.

"Pasensya na. Mukhang matatagalan ito. Magdasal na lang tayo na sana ay may dumaan na bangka para makaalis tayo rito. Hindi ako makakalangoy dahil nasa kalagitnaan tayo ng dagat," nakangiwing tugon nito at napailing.

Napabuntong-hininga siya at tumingin sa paligid. Nasa gitna nga sila ng karagatan at mahangin. Baka tumaob sila kapag nagtagal pa sila rito. Kahit marunong siyang lumangoy, hindi nila kakayanin ang alon at ang lalim ng tubig-dagat.

Ilang sandali lang ay narinig nila ang tunog ng bangka na patungo sa kinaroroonan nila. Kaagad siyang nabuhayan at napangiti nang makita kung sino ang paparating.

"Salamat naman. Naririto si Hunter," narinig niyang sabi ni manong.

Diretsong tumingin si Hunter sa kaniya. Ni hindi ito ngumingiti. Literal na suplado ang lalaking ito. Hindi pa yata niya ito nakitang ngumiti.

"Anong nangyari?" tanong nito kay manong at hindi na siya sinulyapan.

"Biglang namatay ang bangka. Ayaw nang gumana," sagot ni manong.

Kaagad na lumipat si Hunter sa bangka nila, hindi tumitingin sa kaniya.

"William, kaya mong ayusin 'to?" tanong ng binata sa kasama.

Si William na isa sa mga kaibigan ng binata ay nagkibit-balikat at tiningnan ang makina.

Hindi niya mapigilang titigan si William. Kung kaibigan ito ni Hunter, ang ibig sabihin ba ay katulad din ito ng binata na tinatago ang tunay na katauhan? Pati ang kambal na Zach at Zeke ay katulad din ba ni Hunter?

Sa isip niya ay mukhang ganoon nga. Una pa lang ay alam niyang may kakaiba na sa magkakaibigan. Mababait ang mga ito at kilala sa isla maging sa bayan dahil na rin sa mangingisda ang mga ito rito sa isla.

"Kanina pa kayo nandito?"

Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Hunter mula sa likuran niya. Nilingon niya ito kasabay ng muling paglipad ng buhok niya dulot ng hangin.

"Hindi naman masyado. Salamat dahil nandito kayo," tugon niya.

Nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang tumitig ang binata sa kaniya.

"Lipat ka sa kabilang bangka," mahinang utos nito.

"H-Ha? Bakit?"

Humakbang ito papalapit sa kaniya sabay bulong malapit sa tainga niya.

"I told you to always tie your hair, didn't I?" mariing bulong nito.

Kumunot ang noo niya. Anong problema nito sa buhok niya?

"Wala akong dalang pantali sa buhok," tugon niya.

Mahina itong napabuntong-hininga sabay hila sa pulsuhan niya hanggang sa dinala siya nito sa kabilang bangka.

"Hunter, ano ba?" mahinang singhal niya.

Walang imik na pinatalikod siya nito kasabay ng pagpunit ng kung ano at naramdaman niya ang kamay nitong iniipon ang lahat ng buhok niya atsaka itinali.

Nang matapos ito sa pagtali ng buhok niya ay kaagad niya itong nilingon. Umangat ang sulok ng labi nito sabay talikod.

"Walang modo," mahinang bulong niya.

"Naririnig kita."

"Pakialam ko?"

Nilingon siya nito at ngumisi.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now