Chapter 11 (Flesh and Blood)

31.2K 885 64
                                    

CHAPTER 11

KAGAT-KAGAT niya ang kuko sa daliri habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan ng kuwarto ni Hunter.

Mahigit isang oras na yata siya sa labas at halos mapudpod na ang kuko niya. Hindi siya mapakali. Hindi siya pinayagan ni Jaxon na pumasok sa loob ng kuwarto ni Hunter dahil walang sinuman ang nagtangkang pumasok sa loob niyon. Si Jaxon lang ang pinapayagan ng binata na pumasok sa sarili nitong kuwarto.

Bigla siyang napalingon sa pinto ng kuwarto ni Hunter nang bumukas iyon. Halatang nagulat si Jaxon nang makita siya sa labas at tila nagtataka kung bakit naririto pa rin siya. Kaagad niya itong nilapitan.

"Kumusta si Hunter? Ayos lang ba siya? Gising na ba siya? Sigurado kang hindi natin siya puwedeng dalhin sa ospital? Hindi ba delikadong nandito lang siya?" sunod-sunod na tanong niya.

Mataman itong napatitig sa kaniya.

"He will be okay, Miss Seiranel. He'll wake up soon and everything will be okay," magalang na tugon nito.

Nakahinga siya ng maluwag at biglang nabuwal. Kaagad siya nitong inalalayan sa siko.

"Mukhang nabigla ka sa nangyari. I'm really sorry. Ipapahanda ko ang pagkain mo para makakain ka na at makapagpahinga," anito habang inaalalayan siya.

Umiling siya.

"Hindi ako makakain. Gusto kong makita si Hunter," aniya sa nakikiusap na boses.

Muli ay mataman siya nitong tinitigan.

"I'm sorry, Miss Seiranel, but I can't break Sir Hunter's rule. It's okay if he'll get mad at me but it will not be okay if he'll get mad at you. He hated it the most when someone breaks his rule, kahit sino pa iyon. Sana ay maintindihan mo," anito sa mahinahong boses.

Napabuntong-hininga siya at muling kinagat ang sariling kuko. Mahina siyang tinapik ni Jaxon sa balikat.

"Don't worry, he'll come to you right away when he wakes up, for sure," makahulugang sabi nito. "Ipapahanda ko ang dinner mo para makakain ka na. Doon ka muna sa kuwarto mo. Tatawagin na lang kita when everything's ready, Miss Seiranel," patuloy nito.

Walang nagawang tumango siya. Nang nagpaalam si Jaxon ay lumapit siya sa nakasarang pinto ng kuwarto ni Hunter. Kagat ang ibabang labi na dinama niya ang pinto at mahinang napabuntong-hininga.

"Hunter, huwag mo akong pinag-aalala," mahinang bulong niya.

Muli siyang napabuntong-hininga at pumasok sa kuwarto na kaharap lang ng kuwarto ng binata.

Tila nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama at napahilamos sa sariling mukha. Naguguluhan man sa nasaksihan ay mas nangibabaw ang lungkot sa puso niya. Nalulungkot siya dahil sa kabila ng nasaksihang pagiging bayolente ni Hunter kanina ay kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito kanina. Hindi iyon nakatakas sa paningin niya. Tila ba may kung anong koneksyon si Hunter sa buong pagkatao niya. Tila ramdam niya ang sakit sa mga mata nito.

Nang may kumatok sa labas ng pinto ay kaagad siyang tumayo. Dali-dali siyang naglakad at binuksan ang pinto, umaasang si Hunter ang nasa labas, pero bigo siya.

"Dinner's ready, Miss Seiranel," salubong ni Jaxon sa kaniya.

Malungkot siyang tumango at sumunod kay Jaxon. Inasikaso siya ng babaeng nakita niya kaninang nakahandusay sa kusina nang nasa hapag-kainan na siya.

"Jaxon," tawag niya rito nang akmang tatalikod ito para umalis.

"May kailangan ka, Miss Seiranel?" tanong nito.

Nahihiyang napakamot siya sa ulo.

"Hindi ako sanay kumain mag-isa," aniya.

Nakakaintinding tumango ito at umupo sa bakanteng silya na nasa harapan niya. Sinamahan lang siya nito pero hindi ito kumain. Nahihiya man ay tahimik siyang kumain.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now