Chapter 25 (Savior and Salvation)

18.1K 522 34
                                    

CHAPTER 25

MAHINA siyang napadaing at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Nagising siya na ang Lola Helen niya ang nakita. May pag-alala sa mukha ng lola niya habang nakatunghay sa kaniya. Dinama nito ang noo niya. 

"Salamat naman apo at bumaba na ang lagnat mo. Nag-alala ako ng husto sa'yo." Nakahinga ito ng maluwag.

Nakatingin lamang siya sa lola niya. May hinanap ang mga mata niya. Nasaan si Hunter? Panaginip niya lamang ba iyon?

"Lola..." anas niya.

"Ano 'yon, apo?" tugon ng lola niya.

Nasaan si Hunter? 

Hindi niya iyon kayang isa-tinig. Panaginip lamang siguro iyon.

"Nagugutom ka ba? Nagluto akong lugaw para sa'yo. Sandali, kukuha ako para makakain ka at makainom ng gamot," sabi ng lola niya at lumabas na para kumuha ng pagkain.

Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng maliit niyang kuwarto. Panaginip lamang ba ang lahat ng iyon? Sigurado siya na naramdaman at nahawakan niya si Hunter. Wala sa sariling napahawak siya sa sariling labi. Tila ramdam pa niya ang labi ng binata roon. 

Bumangon siya at umupo. Niyakap niya ang mga tuhod. Napahawak siya sa sariling dibdib. Kung panaginip lamang ang lahat ng iyon, bakit ang sakit-sakit ng dibdib niya ngayon? Bakit tila nangungulila siya? Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya.

Kaagad niyang pinunasan ang mga luha nang maramdaman ang lola niya na papasok sa maliit niyang kuwarto. Asikasong-asikaso siya nito, sinubuan ng pagkain, pinainom ng tubig, at sinigurado na nainom niya ang gamot.

Nang matapos niyang kumain ay hinawakan niya ang kamay ng lola niya. Napatitig siya roon. Hindi ang kamay na ito ang hawak niya sa panaginip. Tumingin siya sa lola niya na nakatayo at dahan-dahan ay yumakap siya sa beywang nito.

"Salamat po, lola," maluha-luhang sabi niya.

Masuyo nitong hinagod ang likod niya.

"Magpagaling ka, apo," malumanay na sabi nito.

"Salamat sa pag-aalaga, lola. At patawad po," malungkot na sabi niya.

Sinapo nito ang mukha niya.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano pa, apo. Nandito lang palagi ang lola para sa'yo. Para sa inyo," mahinang sabi nito.

Maluha-luha naman siyang tumango. Napaka-suwerte niya, napaka-suwerte nilang magkakapatid, dahil ito ang lola nila. Ito na halos ang tumaguyod sa kanilang tatlong magkakapatid mula pa noong mga bata pa sila. Kahit iba-iba ang mga tatay nila ay tinanggap at inaruga sila ni Lola Helen. 

"Magiging maayos din ang lahat, apo." Napatingala siya sa lola niya.

Mataman itong nakatingin sa kaniya. Napatitig naman siya sa lola niya. May alam ito. Alam niyang may alam ito sa lahat ng mga pinagdadaanan niya. Pero mas pinili nitong manahimik at naghihintay kung kailan siya handang sabihin ang lahat sa lola niya.

Masuyo nitong hinaplos ang buhok niya. Lumipas ang halos isang linggo na nakatulala lamang siya sa karagatan. Hindi na niya muling nakita pa si Hunter. Nangungulila siya sa binata. Tila sinasadya nitong huwag nang magpakita pa sa kaniya.

"Alam mong pumasok ako sa basement na iyon," mahinang bulong niya sa sarili. "Nakita mo akong pumasok sa basement na iyon, Hunter," nasasaktang kinausap niya ang sarili.

Ngayon niya lamang iyon napagtanto. Hindi siya ihahatid ni Jaxon pabalik sa isla na ito kung walang nangyari. Nakita siya ni Hunter nang gabing iyon. Kaya ba tinawaga nito si Jaxon at kaagad siyang hinatid pabalik sa isla? 

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now