Chapter 10 (Knives)

30.9K 925 58
                                    

CHAPTER 10

KABADO siyang bumaba mula sa motor boat kung saan siya sinakay ni Hunter. Maaga silang umalis kanina para bumiyahe papuntang Maynila.

Mabuti na lang at naniwala ang lola niya nang magpaalam siyang may aasikasuhin siya sa Maynila.

"Relax," anang Hunter nang mapansin ang pagiging kabado niya.

Tumango siya at tipid na tumango. Tumingin siya sa paligid. Alam niyang malayo na sila sa isla dahil hindi na siya gaanong pamilyar sa lugar kung nasaan sila ngayon.

"The chopper is a little late today so I'm sorry if we have to wait a little longer, okay?" anito at hinubad ang suot na jacket.

Walang imik na sinuot nito iyon sa kaniya at kapagkuwan ay salubong ang kilay na tiningnan ang buhok niya.

Awtomatiko niyang hinawakan ang nakalugay na mahabang buhok. Nakalimutan niyang ayaw pala nitong nakikitang nakalugay ang buhok niya. Kinuha niya ang pantali sa buhok at akmang itatali ang sariling buhok nang kinuha iyon ng binata at pumuwesto sa likuran niya.

Tumingin siya sa harapan. Dahil sa sikat ng araw ay nakita niya ang anino nilang dalawa. Napangiti siya habang nakikita ang anino nito kung paano nitong tinatali ang buhok niya.

Ilang sandali lang ay narinig niya ang paparating na chopper. Tumingala siya at nakagat ang ibabang labi. Ito ang unang pagkakataon na makakasakay siya sa chopper kaya kabado siya.

"Let's go."

Napapitlag siya nang magsalita si Hunter malapit sa tainga niya. Awtomatikong nanayo ang mga balahibo niya dahil sa init ng hininga nito na tumama sa tainga niya.

Hinawakan siya ng binata sa kamay at iginiya siya patungo sa chopper na halos kakalapag lang.

Nang nasa loob na sila ay inasikaso siya ng binata, sinigurado na ligtas at magiging komportable siya.

"Afraid?" malakas na tanong nito.

Umiling siya kahit alam niya sa sariling takot at kabado siya. Nang tingnan niya si Hunter ay natigilan siya. Tama ba ang nakita niya o guni-guni lang? Nakita niya itong ngumiti.

Napatitig siya sa binata. Sigurado siyang nakita niya itong ngumiti. Hindi ito pala-ngiti kaya nagulat siya. Alam niyang hindi iyon guni-guni.

Bigla siyang nangunyapit sa binata nang maramdamang umangat ang chopper na sinasakyan nila.

Awtomatiko siya nitong hinapit sa beywang at tiningnan siya. Ang tingin nito ay naghahatid ng kapayapaan sa buo niyang sistema. Sinasabi nitong ligtas siya sa tabi nito.

Unti-unti ay kumalma siya at nagawang tumingin sa ibaba mula sa bintana ng chopper. Nakita niya ang malapad at malawak na karagatan.

Hawak-hawak siya ng binata sa kamay. Ang kaba niya ay nawala. Unti-unti siyang napangiti at muling tumingin kay Hunter pero kaagad din siyang natigilan nang makitang nakatitig pala ito sa kaniya.

"You can take a nap," balewalang sabi nito.

Hindi siya umimik. Bumaba ang tingin niya mga kamay nilang magkahawak. Mahigpit siya nitong hawak sa kamay. Ramdam niyang pinagpapawisan na ang mga kamay niya kaya bahagya niya iyong hinila pero hindi siya pinayagan ng binata.

"Pinagpapawisan ang mga kamay ko. Nakakahiya," halos pabulong na sabi niya.

"I don't mind," tugon nito at pumikit.

Mukhang inaantok ito. Tumitig siya sa binata. Napakatangos ng ilong nito. Alam niyang guwapo si Hunter pero kakaiba ang kaguwapuhan nito. Ang mukha nito ay mabagsik at sadyang misteryoso na tila kayraming tinatago na hindi tatangkaing alamin ng kahit na sinuman.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now