ALDRIN
"Halina kayo at ipapakita ko sa inyo ang inyong tutuluyan." Nakangiting anyaya sa amin ng ginang. Siya ang nakaabang doon sa daungan.
"Bago ang lahat, nais ko munang magpakilala sa inyo. Ako si Aling Barbara. Ako ang caretaker ng resthouse na inyong tutuluyan." Nakangiti nitong saad.
"Ikaw po ba ang tinawagan ko kagabi?" Tanong ko sa kaniya.
"Ako nga iho. Anak ka pala ni Agnes. Aba'y ang laki mo na iho." Natatawa nitong saad.
Sila mama ay dito nakatira noon ngunit lumipat sa Manila para doon mamuhay. Nang malaman ni mama na dito sa Vicencia ang punta namin ay bigla ako nitong pinigilan.
"Anak, you can have your vacation anywhere but not in Vicencia. Pakiusap naman makinig ka sa akin. This is for your own good. Para din ito sa kaligtasan mo. Para sa kaligtasan din ng mga kaibigan mo." Sambit nito sa akin habang nagliligpit ako ng mga dadalhin kinabukasan.
"But mom it's already settled. Lahat ayos na. Lahat nasa plano na. Why you're disagreeing again? Akala ko ba okay lang magbakasyon ako with my barkada? Bakit ngayon pinipigilan mo na ako ngayon? Besides, doon din ang province ninyo. I want to see the province where you came from." Sabat ko dito.
"Hindi ka pwede doon! Ano ba ang hindi mo naiintindihan? Kapag sinabi kong hindi. Hindi! Naiintindihan mo ba ako?!" Sigaw nito sa akin. Nagulantang ako sa kaniyang sigaw kaya lahat ng mga damit na aking tinupi ay nahulog sa kama.
Kita ko ang panginginig sa kanyang kamay. Kuyom na kuyom din ito na tila ba may pinipigilang lumabas. Pansin ko rin na magalaw ang kanyang mata sa buong kwarto. Para siyang takot at balisa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.
"Bakit ba nagkakaganyan kayo? May atraso ba kayo sa mga tao doon na pilit niyong tinatakasan? Ano sabihin niyo? Bigyan niyo ako ng magandang rason para hindi tumuloy at iwanan lang sa ere ang mga kaibigan ko."
"Dahil babalik sila. Sa oras na tumapak ka sa lugar na iyon. babalik sila. Hindi na kita makikitang muli. Sige na anak, pakiusap makinig ka kay mommy, pakiusap." Naluluha na siya. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung para saan ang takot na iyon. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sundin gayong nakaplano na ang lahat.
"Sinong sila?"
"Basta sila. Babalik sila kaya makinig ka sa akin." Huli kong narinig sa kaniya bago siya kinuha ni papa sa silid.
Hindi ko alam kung sinong sila ang tinutukoy niya. May atraso ba siya?
Kahit ganoon ang reaksiyon ni mommy ay tumuloy pa rin ako. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon na makasama ang mga kaibigan ko.
"Manang ito po pala ang mga kaibigan ko. Sila ang mga makakasama ko sa bakasyong ito." Pinakilala ko sila isa-isa. Galak ang makikita sa mukha ng ginang. Hindi pa man ito masyadong matanda pero bakas sa kanyang mukha ang hirap dahil sa mga kulubot nito sa mukha. Siguro dahil na rin sa pagtatrabaho niya araw-araw.
"Aba'y ang gagwapo at ang gaganda ng mga kasama mo iho. Ang iba sa kanila pamilyar din sa akin ang mga mukha." Nakakunot noo nitong saad.
"Ahh opo manang. Dito po dati nakatira ang mga magulang namin." Sambit ni Mary. Buti naman hindi siya nagmura ngayon at matino siya. Marunong din pala siyang gumalang sa nakakatanda sa kanya. Pero kahit ganon hindi nawawala ang katotohanang gusto ko siya.
Isa-isa kaming tiningnan ng ginang at biglang napahinto ang mga mata niya sa isang tao. Hindi ko alam kung ano ba 'yong nakita ko sa mga mata niya. Takot ba iyon? O guni-guni ko lamang?
YOU ARE READING
Vicencia
Mystery / ThrillerMaui Galvez with her friends decided to have an out of town vacation after their exam. Suddenly, there's supposed to be happy and relaxing vacation was ruined because what happen to their friend. Their friend was missing. Is the vacation can lead th...