Amanda
Sa wakas natapos na din ang exam. Nag-unat ako matapos kung maipasa ang test paper ko. Napangiti na lamang ako nang makita ko sa mukha ng barkada ang labis na galak at saya. Panigurado excited ang mga itong magbakasyon. Masaya akong nakilala sila. Magkaiba man ang aming personalidad ay hindi namin iniwan ang isa't isa. Sila ang sandigan ko sa bawat problemang aking tangan.
"Amanda, come here. Labas na us!" Tawag sa akin ni potpot. Siya ang pinakagusto ko sa grupo. Siya 'yung tipong walang dinadala na problema. Masayahin siya palagi. Nakakahawa ang vibes na dala niya. Ang sarap pagmasdan ng mga ngiti sa kanyang labi.
"Andiyan na!" Sambit ko bago binitbit ang aking bag.
"We're going to shopping muna kaya. Because you know it's our first time na mag out of town. " Adrian suggested.
"I'm already tired na no! Sobrang sakit ng ulo ko. Kumikirot at parang may bulateng gumagalaw sa ulo ko. Duh!" Sambit ni Irish. Halata sa kanyang Mukha ang pagod at pagkairita.
"Bullshit! Hindi naman utak mo ang ginagamit sa paglalakad 'di ba? Kung ayaw mong sumama, eh 'di magpaiwan ka. As easy as that. Putang-ina naman oh! Pinapainit mo ang ulo ko. Nakakairita ang kaartehan mo." Naiinis na sambit ni Mary. Ewan ko sa babaeng ito at palaging mainit ang ulo.
"Ms. Palabra. Stop saying profanity. Wala ka sa kanto para sabihan iyan. Parang wala kang pinag-aralan. Ganyan ba tinuturo ng mga magulang mo? Hindi ka na talaga nagbabago. Umayos ka naman dahil nandito ka sa paaralan. Institusyon kong saan tinuturuan kayo ng magandang asal. Kayo ang pag-asa ng bayan ngunit tila naliligaw na kayo ng daan. Tsk!" Hindi namin namalayan na bumalik pala si ma'am. Iling-iling itong naglakad palabas bitbit ang iba pang test papers.
People always judge because of what they see. Hindi man nila inalam ang istorya sa likod ng pangyayari. Kapag nagsusuot ng maiksi, malandi na. Kapag sumasagot sa mga magulang, bastos na. Kapag hindi sinunod ang utos, tamad na. Kapag 'di nag-aral, nagbobolakbol na. Kapag nagsasalita ng 'di maganda, walang modo na. Kapag nagkokolorete sa Mukha, pokpok na. Saan ba talaga kaming kabataan lugar? Kunting galaw lang namin ay agad hinuhusgahan. Puro pagkakamali lang ang kanilang nakikita. Bakit 'di nila nakikita ang mga mabuti naming gawa?
Hindi maiksi ang damit niya, it's fashion. Wala kang pake sa kung anong suotin niya dahil desisyon niya iyon. Doon siya kumportable. Hindi dahil sumasagot sa magulang ay bastos na. Hindi ba pwedeng hindi lang siya naiintindihan ng magulang niya o 'di kaya'y sumusubra na ang magulang niya. Dahil hindi kumikilos, tamad na? Hindi ba pwedeng nagpapahinga lang. Nagbobolakbol na agad kapag hindi nag-aaral. Hindi ba pwedeng inunan niyang maghanap ng trabaho para sa pamilya. Hindi naman karera ang pag-aaral ehh. Nanghuhusga agad tayo nang hindi inaalam ang totoo.
Sa dami ng sinabi ni ma'am hindi man lang natinag ang palamurang si Mary. 'Yan ang kaibigan ko. Hindi nagpapadaig sa kahit anong panghuhusga ng mga tao sa kaniya.
"Aba! Malamang konektado ang utak sa katawan no. Kapag hindi nagfunction ng maayos ang utak o 'di kaya'y pagod ito, malamang apektado lahat ng system. Did you know that the brain is the main source of the message. Duh! Kung pagod ang utak, pagod din ang katawan. Hindi mo ba alam yon?" Nakapameywang na saad ni Irish kay Mary. Aba! Akala ko ba tapos na sila. Hindi talaga siya magpapatalo kahit kailan.
"Putang-ina! Bahala ka sa buhay mo. Tara na guys! Iwan niyo na ang malditang iyan."
"Wait lang Mary, I suggest na bukas na lang tayo mamili because we all tired. Irish is right we must rest muna, okay?" Malumanay na saad ni Maui. Pilit na nagpapaintindi kay Mary. I adore her for being calm despite of the tension between the two. She have future of being a lawyer.
![](https://img.wattpad.com/cover/283343505-288-k589167.jpg)
YOU ARE READING
Vicencia
Misterio / SuspensoMaui Galvez with her friends decided to have an out of town vacation after their exam. Suddenly, there's supposed to be happy and relaxing vacation was ruined because what happen to their friend. Their friend was missing. Is the vacation can lead th...