Blake's POV
"Umamin ka na kase para hindi ka na magselos. Akala ko ba matapang ka? Bakit tila nabahag ang iyong buntot kapag si Amanda na ang iyong kaharap huh? Hahhaah!" Pang-iinis pa ni Aldrin sa akin ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.
"Nasaan na ang pagiging badboy mo Standford? Hindi ba mangas ka? Halika suntukin mo ako hahah!" Sigaw pa nito pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Wala ako sa mood na makipag basag uli ngayon.
Sumunod ako sa aking mga kaibigan sa paglalakad para iwasan si Aldrin. Nakakairita talaga. B'wesit!
Tsk.
Bakit naman ako magseselos? Eh sinto-sinto 'yon at may sakit sa utak ang anak ni Aling Barbara. Hindi naman siya gold para pakandarapaan kaagad ni Amanda. Ang isang magandang tulad ni Amanda ay bagay sa isang tulang kong gwapo. At kami lang dalawa nababagay.
"Maglalakad na naman ba tayo manang? Like I'm super duper pagod na kahapon tapos naglalakad na naman tayo ngayon. Nakakapagod kaya manang. Kahapon pinaakyat niyo kami sa hagdan na sobrang tapos ngayon. Hay naku!" Pagdadaldal na naman ni Janice. Sarap bigwasan ng babaeng to. Nag-uusao kami kanina ni Amanda tapos kukunin niya bigla ang dalaga. Tsk!
Gusto ko pa sanang magtanong kanina kaso inakay niya na si Amanda papalabas sa kusina kaya 'di na ako nagsalita at pinagpatuloy ang naudlot na pagpupunas ng pinggan dahil sa pagkukwentuhan namin ni Amanda.
"Eh 'di magpaiwan ka para naman hindi ka mapagod. " Sabad na naman ni Crizzy sa kanya. Bumalik na naman ang mga ugali namin. Tuwing umaga lang talaga kami nagkakasundo't mabait. Well, maliban kay Amanda na palaging mabait.
Naalala ko pa noong una naming mag sleep over sa bahay ni Maui dahil gumawa kami ng project ay nagulat ang parents ni Maui na hindi kami maingay at tila maaamong pusa sa umaga ngunit tila tigre kapag lumipas ang umaga. Doon namin napagtanto na may natatago pala kaming kabaitan na lumalabas lamang tuwing umaga. Tsk!
"Ayaw ko nga magpaiwan sa malaking bahay na 'yon baka may multo pa don ehh." Rebutt naman niya kay Crizzy at patakbong pumunta kay Amanda at ikinawit ang kan'yang mga braso dito.
Si Janice ang nasa kaliwang kamay ni Amanda habang ang apo ni Aling Barbara ang nasa kaliwa.
Tiningnan ko ng masama ang kinaroroonan nila Potpot. Bakit ba ang hilig-hilig niyang dumikit kay Amanda? Ito namang apo ni Aling Barbara bakit gan'yan makakapit kay Amanda. Ehh ngayon lang naman sila nagkakilala. Nag-iinit na naman ako at gusto kong manapak ng tao. Sapakin ko kaya ang apo ni Aling Barbara? Tsk!
"Oh bakit ka gan'yan makatingin sa akin Blake huh?" Nanghahamong sambit ni Janice sa akin, ngunit hindi ko na lamang ito pinatulan dahil mas lalo lamang akong naiirita sa kanya.
-----
"HINDI tayo maglalakad dahil lilibutin ang Vicencia." Iyon ang tugon n ginang sa dalaga makalipas ang ilang sandaling pakikinig sa bangayan ng mga ito. Natutuwang pinagmasdan ng ginang ang magbabarkada lalo na sa isang taong kanina niya pa pinagmasdan. May kamukha talaga ito at hindi niya mawari kung sino. Sinisid na niya ang kailaliman ng kanyang ala-ala ngunit niya talaga alam. Ang tangi alam niya lang ay may kamukha ito sa Vicencia.
"Ay salamat naman manang." Nakahinga ng maluwag si Janice. Tahimik lamang naglalakad ang kanilang mga kasama at pinagmamasdan ang ang kanilang nadaaanamg mga bahay na gawi sa pawid at bato. Malayo nga ito sa sibilisasyon ngunit maganda pa ring tingnan dahil sa matibay at maganda ang pagkakagawa nito.
"Saan nga pala tayo sasakay manang?" Tanong ni Mary na kanina pa namamangha sa kapaligiran.
"May nirentahan na akon sasakyan doon sa sakayan. Kailangan lang nating maglakad ng kalahating ras para marating ang sakayan." Sagot ng ginang.
YOU ARE READING
Vicencia
Mystery / ThrillerMaui Galvez with her friends decided to have an out of town vacation after their exam. Suddenly, there's supposed to be happy and relaxing vacation was ruined because what happen to their friend. Their friend was missing. Is the vacation can lead th...