Crizzy
Nakakairita talaga siya kahit kailan. My god! Nakakaloka! Hindi ko keri ang pagiging palamura niya. It's okay to cussed as long as you know your limit. Mary cussing all day. Like a cussing machine. She don't know her limit. Nakakasakit na siya ng mga taong nasa paligid niya. Mura pa rin siya nang mura na tila ba walang pakialam kung may nasasaktan na siya o wala.Umalis ako matapos naming magbangayan. Ayoko talaga sa babaeng iyon. Ano naman kung binabackstab ko siya? Totoo naman lahat ng mga iyon. Nagagalit siya dahil totoo. Kung hindi iyon totoo, hindi sana siya nagalit.
Pumunta ako sa bilihan ng karne. Paniguradong hahanapin ng mga iyon ang karne dahil paborito nila ang mga ito lalo na kung inihaw.
Habang pumipili ako ng sariwang karne ay tumunog ang aking telepono kaya agad ko itong dinukot sa aking bulsa.
Vince is calling. He's my ex-boyfriend na nagcheat sa akin. He's an asshole. Nanahimik ako dati tapos guguluhin niya ang buhay ko. Nangako pa siya na kami hanggang dulo, ngunit lahat ng iyon ay kasinungalingan lang pala. Akala ko sa kanya ko mararanasan ang happy ending ngunit hindi pala. Nanahimik ako tapos liligawan niya ako. And then iiwan niya lang pala sa ere dahil sa dahilang hindi kami compatible. Sa dahilan na nagsasawa na siya sa akin kaya nagawa niyang magloko. Dahil wala na daw akong oras para sa kanya. Puro na lang daw ako aral, hindi ko na daw siya naaasikaso. That's a bullshit reason that I heard. Sinisi niya pa talaga ako sa kalokohang siya lang naman ang may gawa. Tsk! Pinagpalit niya pa ako sa mukhang linta. Makadikit wagas, tila ba wala ng bukas. Kaya bago natin papasukin sa buhay natin ang isang tao, kailangan muna nating kilatisin para sa dulo hindi tayo masaktan ng todo.
Pinatay ko ang tawag dahil hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang nangyari. Palagi siyang nagsosorry sa nangyari pero hindi mawawala ng sorry ang sugat na nakamarka na sa puso ko.
Tumunog ito ulit ngunit hindi ko ito pinansin.
Abala ako sa pagpili nang biglang may lumapit sa akin na babae.
"Ikaw ba si Crizzy?" Galit nitong tanong. Bakit 'to galit? May galit ba ito sa akin? Tsk!
"Yes, I—
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sinampal niya na agad ako. Bumakas pa ata ang palad niya sa makinis kong mukha.
"Bakit ka ba nanampal, bruha ka? May atraso ba ako sa iyo huh?" Galit kong saad sa kanya. Sino ba naman ang hindi magagalit kung lalapitan ka nang kung sino at bigla-bigla ka na lang sinamp na hindi mo alam ang dahilan. Bullshit! Ang sakit non ah!
"Inagaw mo lang naman ang boyfriend ko! Malandi ka!" Nanlilisik na ang kanyang mata habang nakakatitig sa akin.
Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa eksena ng babaeng ito. Tsk! I hate attention.
"Inagaw mo si Vince sa akin. Hiniwalayan niya ako dahil mahal ka daw niya. Ano bang gayumang ginawa mo sa boyfriend ko!"
"Ahh, Vince the cheater ba? Tsk! Isaksak mo sa baga mo ang Vince na 'yan, bruha ka!"
"Ah Ganon!" Hindi na siya nakapagpigil at lumapit sa kin. Sinambunutan niya ang buhok ko kaya sinambunutan ko din siya. Hindi ako magpapatalo. Ayoko kong maging dehado sa labang ito. Hindi ako makakapayag na hindi ako makaganti sa pananampal niya sa akin. Dapat patas kami!

YOU ARE READING
Vicencia
Misteri / ThrillerMaui Galvez with her friends decided to have an out of town vacation after their exam. Suddenly, there's supposed to be happy and relaxing vacation was ruined because what happen to their friend. Their friend was missing. Is the vacation can lead th...