Simula

25 21 3
                                    

Dedicated to: mathwizkid_

I treat her as my little sister. She's very cute and funny to be exact. She's a writer too. Check her stories. In our gc she's one of the two persons I love the most. Shout out sa Writer's Lounge .

•••

Sa isang dako ng kakahuyan ay may isang kubo doon na tinitirhan ng mag-asawang Villafranca kasama ang kanilang tatlong anak.

Masaya silang namumuhay doon at tila walang problemang dinaranas.

"Inay!" Tawag ng panganay na anak na lalaki ng mag-asawa. Bitbit ang mga panggatong na kanyang kinuha at sinibak pa mula sa malapit na kakahuyan.

Maliit lamang ang bahay ng mag-asawa kung kaya't ang kanilang sala ay siya ring lugar kung saan sila kumakain.

May isang maliit na kwarto ang kubo kung saan doon nila pinagkakasya ang kanilang mga katawan sa pagtulog. Minsan pa nga'y hindi natutulog ang haligi ng tahanan na si Mang Esing dahil siya ang nagbabantay sa kanyang pamilya at tagapaypay sa mga anak kapag mainit ang panahon.

Ang kanilang hinihigaan ay kawayan at nilalatagan lamang ng banig na gawa sa dahon ng romblon.

Sa umaga ay kumukuha si Mang Esing na mga punongkahoy na kanyang pwedeng ibenta sa bayaan. Samantalang sa gabi naman ay nangangaso siya sa kakahuyan.

"Jonel, anak! Nandito ako sa kusina." Sigaw naman ni Aling Fe na nandoon sa kusina at naghihiwa ng mga rekados na ihahalo sa sinabawang manok. Minsan lang sa isang taon sila makakain ng manok sapagkat ang kinikita ng mag-asawa at sapat lamang sa kanilang pangagailangan.

Kanina sa bayan dahil nakaubos si Aling Fe ng limampung banig na kanyang hinabi pa noong nakaraang araw ay napagpasiyahan niyang bumili ng manok para kahit papaano ay makatikim ulit ang kaniyang pamilya ng sinampalukang manok.

Kahit nasa labas ng pinto ng kubo pa si Jonel ay dinig na dinig niya ang malumanay na boses ng kanyang ina. Hindi naman kase kalayuan ang kusina sa pintuan ng kubo.

Bitbit ang mga panggatong ay pumunta siya sa kusina kung saan naabutan niyang naghahalo na ng rekado si Aling Fe.

"Oh! Nay! Andito na si kuya." Tawag pansin ni Jena sa kanyang ina na katatapos lang maghalo ng rekados at ngayon hihintayin na lamang itong maluto.

"Jonel, nasaan si tatay mo?"

"Andoon ho sa labas. Inaayos niya iyong mga gamit niya sa pangagaso." Sagot ni Jonel sa ina matapos isalansan ang mga panggatong sa lagayan.

Habang naghihintay sila sa oras ng hapunan at maluto ang sinigang na manok ay lumabas muna si Jena para pumunta sa kanyang amang si Mang Esing na isinasaayos nga ang mga kagamitan sa pangngaso.

"Tay! Kumusta ang pangangaso ngayon?"

"Mailap ang mga hayop ngayon anak. Wala akong nakita kahit isa. Natakot siguro sa gwapong tatay mo." Biro pa ni Mang Esing sa kanyang anak matapos umupo sa bangkong gawa sa kahoy.

"Asus! Si tatay mapagbiro ka talaga. Hahahah!" Hindi naman maipagkakaila ang angking kagwapuhan ni Mang Esing noong kanyang kabataan. Sa kanya nga nagmana ang bunsong anak sa pagkakaroon ng matangos na ilong at berdeng mga mata.

Kahit bilad palagi sa araw si Mang Esing ay hindi maipagkakaila na hindi ito umiitim kahit magdamag pa siyang nakabilad. Sa halip na umitim ay mamulamula pa ito.

"Tay bakit si inay ang pinakasalan niyo kahit marami namang babaeng nagkakagusto sa inyo." Umupo na din si Jena sa harap ng ama kung saan nasa gitna nila ang gawa din sa kahoy na mesa.

VicenciaWhere stories live. Discover now