Maaga pa lang nagising na si Amanda para sa panibagong araw. Nakasanayan na niyang gumising ng maaga. Nakasanayan na din niyang maghanda ng pagkain sa hapag. Tulog pa ang lahat kaya magandang pagkakataon para naghanda ng pagkain. Gusto niyang paglutuan ng pagkain ang kanyang mga kaibigan. Makabawi man lang sa mga kabutihang nagawa nila.
Naghahanda ng pagkain si Amanda nang may kumatok sa pintuan. Hindi niya maiwan-iwan ang kanyang niluluto kaya hindi niya mapagbubuksan ang taong kumakatok. Hindi tumigil sa pagkatok ang taong nasa labas. Hindi din marinig ni Amanda kung ano ang sinasabi nito dahil nandoon siya sa kusina. Medyo malayo ang distansiya ng pinto sa kusina. Pupuntahan na sana niya ang pinto ngunit nakita niya na pababa ng hagdan si Blake. Pupungas-pungas pa ito na tila ba nagising sa malakas na katok mula sa pinto.
"Aishh! Istorbo!' Iritadong sambit nito. Naputol ata ang tulog nito dahil sa malakas na katok.
Kawawa!
Ang nasa isip ni Amanda. Bagkus na makapahinga ito ay nabulabog pa.
"Si Aling Barbara ito. Pakibukas ng pinto." Rinig ni Blake ang boses mula sa labas.
Kahit naiirita siya sa patuloy na pagkatok nito ay pinagbuksan niya pa rin ito ng pinto. Pagsasabihan niya sana si Aling Barbara na huwag katok nang katok dahil nakakabulabog sa mga taong natutulog ngunit ibang kamay ang kumakatok.
"Maligayang araw!" Bati nito sa kanya. Nakangiti ito ngunit hindi niya ito sinuklian ng ngiti. Yamot na yamot siya dahil naistorbo ang pagpapahinga niya.
Nakatayo sa gilid ng matangkad na lalaki si Aling Barbara. Nakangiti din ito sa kanya ngunit 'di niya magawang suklian ito.
"Iho, ito pala ang sinasabi ko sa inyong apo ko. Siya si Kyle." Nakangiting saad ng ginang ngunit hindi siya pinakinggan ni Blake at tumalikod na lang bigla.
"Blake sino 'yan?" Tanong ni Amanda ngunit nagtuloy-tuloy lamang sa paglalakad Si Blake na tila ba walang narinig.
Napailing na lamang si Amanda sa inasal nito. Nagtuloy-tuloy ito sa pag-akyat sa hagdan. Mukhang matutulog ulit dahil naudlot ito.
Pinagmamasdan ng ginang ang dalagitang nakasuot ng apron. Mayroong sa loob niya na nagsasabing kilala niya ito ngunit hindi niya matandaan kung kailan at saan. Kilala niya ang mukha ng dalaga ngunit 'di niya alam kung saan niya ito nakita. Unang kita niya palang kita sa dalaga ay biglang nag-iba ang kanyang naramdaman sa hindi mawaring dahilan. Nagtatalo ang kanyang puso't isipan. Walang gustong magpatalo.
Naramdaman ni Amanda na may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Nilingon niya kung saan ito naroroon at nakita niya ang mag-inang nakangiti.
"Bumalik ka!" Sigaw ng binatang katabi ng ginang. Nagulat si Amanda ng bigla siya nitong yinakap. Nalito ang dalaga kung bakit siya nito yinakap gayong ngayon niya lamang ito nasilayan.
"Ahh hhehe!" Tanging sambit na lamang ng dalaga habang nakayakap sa kanya ang binata.
"Hay naku iha! Pagpasensiyahan mo na itong apo ko medyo hindi kase maganda ang pag-iisip niya." Nakangiting pagpapaliwanag ng ginang kay Amanda.
"Tama na 'yan Kyle. Nasasakal na si Amanda." Pang-aawat ng ginang ng makita niyang medyo nahihirapan na ang dalaga sa paghinga dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap.
Umalis sa pagkakayakap ang binata kay Amanda. Nakahinga naman ng maluwag si Amanda ng pakawalan siya ng binata.
"Ehh bumalik na talaga ikaw. Nandito ba ikaw dahil doon sa nangyari?" Hindi maintindahan ni Amanda kung anong tinatanong ng binata kaya tiningnan niya ang ginang na nakakunot noo ring nakatingin sa apo. Naramdaman ng ginang ang titig ng dalaga kaya napabaling ang kaniyang tingin dito.
YOU ARE READING
Vicencia
Mystery / ThrillerMaui Galvez with her friends decided to have an out of town vacation after their exam. Suddenly, there's supposed to be happy and relaxing vacation was ruined because what happen to their friend. Their friend was missing. Is the vacation can lead th...