Umpisa

13 0 0
                                    

“Kumusta ka na?”

Itinaas ko ang tingin. “Pagod na ako. Ayoko na.”

Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin mula sa kaniyang pagkakatayo. “Talaga ba? Aayaw ka na agad? Ganon na lang?”

Masama ko rin siyang tiningnan mula sa aking pagkakaupo sa gutter. “Itigil na natin 'to, pagod na talaga ako.”

Nagpamewang siya at tinaasan ako ng kilay. “Aba teh ilang minuto pa lang tayo nagjogging ayaw mo na?”

“Oo, bukas naman ulit, okay na siguro 'yun.” tumayo na ako habang hawak ang tumbler. Sumunod si Gabbie matapos din kunin ang tubigan niya.

Naglakad na kami papasok sa village habang nagpupunas ng pawis. Buti na nga lang hindi pa ganoon kainit kahit 9 am na.

“Alam mo ba beh, 'diba magkachat kami ni Josev,”

“Sinong Josev?” tanong ko at nakakunot noong lumingon sa kaniya.

“Ano ka ba? Edi 'yung crush ko noong year-end party na nagpapicture ako. Ay nako teh forgot agad?”

Napangiti ako sa kaniya nang maalala. “Sorry naman teh dami mo kasing crush 'no, so ano bang meron?” 

"Ayun na nga beh magd-date kami bukas!" irit ni Gabbie. Kaya maski ako napairit na rin at palakpak pa.


May crush kasi si Gabbie na grade 10, batchmate namin. Ang bakla ba naman tapang na tapang nagpapicture noong year-end party. After noon, hindi namin inexpect na go 'yang si Josev na makipagchat kay Gabbie. Ang bakla tuwang-tuwa patapos na ang January pero magkausap pa rin sila, at siyempre ako rin masaya ako para sa kaniya.


Hindi niyo kasi naitatanong pero kakaiba 'tong si Gabbie. Mas maarte at kikay pa 'to sa akin. Smooth ang buhok hanggang tenga, maputi, medyo slim, clearskin, halos magkasingtangkad din kami. 5'5 kasi siya tapos 5'4 ako.


Kaya nakakatuwa na may lovelife na siya, parang dati dugyot pa siya kasi paminta pa ang baklang 'to!


"Nako congrats teh! Iba talaga beauty mo panalo." komento ko at napangiti siya. "Nako salamat talaga M—"


“Marie!”


Gulat akong napalingon sa basketball court, at sa taong tumawag sa pangalan ko. Hingal na hingal siyang tumakbo palapit sa akin sa kalsada.

“Ano na naman?!” inis kong tanong.

“Luh, agang aga galit agad.” sagot ni kuya at sinundot ang tagiliran ko. “Luh epal.” reklamo ko sa ginawa niya pero malupet nakangiti lang siya.

“Sus. Painom ako. May tubig ka pa ba?”

"Bakit ba kasi 'di ka pa bumili ng tubigan mo? May pera naman ayaw bumili ng kailangan." inis kong pagalit.


Pero kaagad kong ibinigay ang tubigan ko. “Siya ubusin mo na. Ingatan mo 'yan ha 'wag mong iwala, lagot ka sa'kin!”

"Sige na po. Baka upakan mo pa ako niyan." sabi niya at ininom na ang tubig.

Sa walang matinong dahilan nabaling ang atensyon ko sa basketball court. Wala akong partikular na taong gustong makita, pero parang namamalikmata ata ako. May tao akong nakikita na dapat ay hindi ko na kailanman makita.

"Oyy! Daniel kailan ka pa bumalik?"
"Yess! Ayun oh!"

Nagkaingay ang mga lalaki sa basketball court sa pagdating ng isang lalaking parang nag-ibang anyo. Kaaya-ayang mukha na parang mas lalong nahasa. Pati ata ang katawan niya, sanay magbuhat sa gym. Hindi ko alam, parang lalo siyang tumangkad. Nakasuot siya ng gray na tshirt, at itim na jersey short.


"Bakit pa bumalik 'yang gago na 'yan dito?" rinig kong bulong ni kuya habang matalim na nakatitig sa lalaking dumating.



"Kaya nga. Ang kapal ng mukha niya para bumalik na parang walang nangyari." bulong din ni Gabbie sa gilid ko.


Pare-pareho kaming nakatingin sa basketball court, ngunit hindi natutuwa sa nangyayari. Nakakatuwa sa puso na maski si kuya at Gabbie, kapareho ng nararamdaman ko ngayon. May karamay ako. Kahit na dalawang taon na ang nakalipas matapos ang mga nangyari, hindi pa rin ako nakalimot. Kung paano ako nagmahal sa unang pagkakataon, kung paano ako nagustuhan ng isang lalaki, at kung paano nasira ang sarili ko sa dulo.


"Kian! Tara na laro, nandito na si Daniel!"

Lumingon ang lahat sa direksyon namin. Maski siya tumingin sa amin. Nagtama ang mga mata namin, at ilang sandaling nagtitig. Malungkot ang mga mata niya habang nakatuon sa akin. Hindi ko alam kung anong istura ng mata ko sa paningin niya pero ang tanging nararamdaman ko ngayon ay inis at pagkadismaya.

Binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti sa labi. Hindi ako ngumiti, walang reaksyon sa mukha ko. Kaagad kong pinutol ang tinginan at nagsimula nang maglakad palayo.

"Kayo na lang mga pre, uwi na muna ako!" sigaw ni kuya sa mga kalaro niya. Rinig ang pag-angal ng iba niyang mga kasama. "Sige lang mga pre, enjoy lang!"

Alam kong halos dalawang taon na ang lumipas. Alam kong matagal na 'yon. Alam kong wala na akong dapat problemahin at damdamin, pero nang makita ko siya, naalala ko lahat ng dinulot niya dalawang taon na ang nakalipas.

Bakit ka pa bumalik, Daniel?

Gusto kong isiping namamalikmata lang ako pero siya nga talaga 'yon, ang lalaking kinalimutan ko na. Nagbabalik para muli akong saktan.




---
Maikee

Pa-connect!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon