Lumipas ang isang linggo at hindi na pumunta si Daniel dito. Nanibago ako na wala siya dito dahil araw-araw ko siyang nakikita. Ano kayang nangyari? Ayos lang kaya siya?
"Bakit ang lungkot mo?" napalingon ako sa may pintuan ng kwarto nang magsalita si kuya. Pumasok siya at naupo sa kama ni nanay sa tapat ng kama ko sa babang bahagi ng double deck.
"Wala lang 'to kuya. Wala lang akong magawa." sabi ko, nakatingin sa mga paa ko.
Naisip ni Kian na hindi na ata nagpaparamdam si Daniel. 'Sus, kinausap lang ng masinsinan natakot na. WEAK' bulong nito sa kaniyang isipan.
"Umamin ka nga sa akin." Agad ko siyang nilingon. "Gusto mo ba si Daniel?"
Kinabahan ako sa tanong ni kuya. Hindi ko alam ang isasagot. Paano niya naisip 'yun? Hindi ko alam kung aamin ako o itatanggi ko. Sa tagal kong nakikita at nakakasama si Daniel pakiramdam ko gusto ko na siya.
"Hindi man tayo kasing close tulad ng sa inyo ni Gab pero kapatid pa rin kita, nag-aalala ako."
Kinagat ko ang labi ko sa kaba. Sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko hindi ko na alam kung anong nasabi ko.
"Crush lang naman kuya."
Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa kamay at hindi makatingin kay kuya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
"Hindi kami ganoon ka-close ni Daniel pero kung gusto niyo ang isa't isa gusto ko dito lang kayo magkikita sa bahay. Dapat din alam ko, at kung kailan nandito ako. Ayokong malalaman na nagkikita kayo nang patago."
Agad kong iniangat ang ulo ko para tingnan ang reaksyon ni kuya.
"Ipapaalala ko lang mas matanda siya sayo. Kahit tropa ko siya at naging close na kayo dapat mag-ingat ka pa rin." Tumango ako bilang sagot kay kuya.
"'Wag kang gagawa ng ano ha. Alam mo na 'yun. Kundi malilintikan ka sa amin." Makahulugan niya akong tiningnan at medyo natawa ako sa ibig niyang sabihin.
"Opo kuya." Nakangiti kong tugon.
"Halika nga rito." sabi ni kuya at ibinuka ang mga braso niya. Agad ko siyang niyakap, at kinuskos niya ang tuktok ng ulo ko gamit ang palad niya.
Mabuti na lang nandito si kuya. Simula nang umalis si tatay siya na ang nagsilbing ama ko.
"Ayusin mo naman ang paglaba Marie!" Sigaw ni nanay sa akin dahil niluloblob ko lang sa sabon ang damit. Nakabusangot ako at walang gana maglaba. Paano ba naman nanonood ako ng k-drama kanina tapos pinaglaba ako ni inay.
"Tingnan mo 'yang labi mo, puwede na sabitan ng kaldero." Pang-aasar ni Inay. "Inay naman! Bukas ko na lang gagawin 'to. Konti pa lang naman 'to, sige na 'nay! Tatapusin ko lang 'yung pinapanood ko. Pleaseeeee!" Pagkumbinsi ko habang nakatingala kay Inay.
BINABASA MO ANG
Pa-connect!
Teen Fiction"Pwedeng pa-connect? Hindi lang sa wi-fi niyo, pati na rin sa puso mo." Summer ng taong 2017, isang puppy love ang umusbong sa pagitan ni Marie at Daniel. Si Marie ay labing-apat, masayahin at may positibong tingin sa pag-ibig. Habang si Daniel ay...