"AYYYY!"
sigaw ni Gabbie at kilig na kilig nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari noong isang araw.
"Hmm, ang haba talaga ng buhok mo, rapunzel!" pabirong sabi niya at hinaplos ng bahagya ang buhok ko.
Nagpacute ako at inipit sa likod ng tenga ang buhok. Kaya hinampas ako ni Gabbie sa braso na kinatawa ko.
"So ano ba? Crush mo ba?" tanong niya at hinihintay ang sagot ko.
Crush ko nga ba? Ewan ko. Hindi ko alam. Itinaas ko ang parehong balikat bilang sagot."Shuta ka! How to be you po, bebe girl?!" tinawanan ko lang siya.
"Gusto ko tuloy siyang makita. Bakit naman kasi kung kailan hindi muna ako natambay sa inyo saka siya nag- enter sa picture frame." himutok ni Gabbie.
"Pero 'wag kang mafall ha, sa akin na lang siya baks. Ako na lang i-reto mo." bahagyang nawala ang ngiti ko.
Gusto niya si Daniel.
Bestfriend ko na si Gabbie simula pa noong mga bata kami at hindi pa marunong magbasa. Magkasama kami sa mga pangyayari ng buhay namin, pareho kami ng mga hilig, at nagkakasundo sa lahat ng bagay.
Ngunit bakit parang ito ang pinaka unang pabor na hiningi niya sa akin na hindi ko kayang ibigay.
"Kasi kilala kita alam kong hindi mo type 'yung mga basketball players kasi nga 'di ba nadidiri ka kapag pawis na pawis sila. Tsaka hindi mo rin type 'yung mga moreno. Eh ako, ayan ang mga tipo ko. 'Yung kanin na lang ang kulang kasi super yummy."
Nabalik ako sa realidad nang magsalita ulit siya. "So... ako na sasalo basta ilakad mo akez."
Kinagabihan, hindi ako makatulog. Nakatingin lang ako sa pader. Paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Daniel sa isip ko. Hindi ko malaman kung totoo ba ang intensiyon niya o pinaglalaruan niya lang ako. Idagdag pa na mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.
Sumingit din ang mga sinabi sa akin ni Gabbie kanina. Hindi dapat ako mafall kay Daniel, mas gusto siya ng kaibigan ko, at saka hindi ko dapat pinagtutuunan nang pansin ang mga lalaki—lalo na ang pagbo-boyfriend.
Sa malalim kong pag-iisip hindi ko namalayan ang paglamon sa akin ng antok.
"Nakapag-enroll ka na ba?" tanong ni Gabbie. Nandito siya ngayon sa bahay at ang bakla inaabangan si Daniel.
"Hindi pa nga, uy sabay tayo ha." sabi ko at tumango siya. "Yes naman siyempre kailan pa ba kita iniwan." saglit kaming natahimik at bigla ay sumigaw dahil pareho kaming nandiri sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Pa-connect!
Подростковая литература"Pwedeng pa-connect? Hindi lang sa wi-fi niyo, pati na rin sa puso mo." Summer ng taong 2017, isang puppy love ang umusbong sa pagitan ni Marie at Daniel. Si Marie ay labing-apat, masayahin at may positibong tingin sa pag-ibig. Habang si Daniel ay...