"Matulog ka na gabi na!"
Agad kong tinago ang cellphone ko sa ilalim ng unan ng sabunutan ako ni Nanay dahil nahuli niya akong gising kahit hating-gabi na.
"Eto na po 'nay, tutulog na." sagot ko at tumalikod na sa diresyon niya.
"'Pag ako nainis, itatago ko 'yang selpon na 'yan! Makikita mo." sabi ni Nanay bago lumabas ng kwarto. Ang gulo ni nanay ha, itatago niya raw pero makikita ko. Biro lang siyempre.
Nang masiguro kong nakalayo na si Nanay ay agad kong binuksan ang cellphone ko at chinat si Gab.
To: Gabbie
Gabbie! Nahuli ako ni nanay. Matulog ka na baka biglang patayin ang wifi!
Pinindot ko na ang send kaso... ayaw mag-send!! Patay ako nito kay Gabbie.
"SHUTA ka ghorl! Last episode na ako tapos biglang nawala 'yung internet! Alam mo ba na halos 'di na ako makahinga sa kaiiyak tapos biglang naputol. Kaimbyerna ka!" Himutok ni Gabbie nang makarating na ako sa bahay nila.
Ako si Marie. Siya naman si Gabbie, ang bestfriend kong beklabu. Isang bahay lang ang pagitan ng bahay namin kaya naman magkaibigan na kami simula pa noong bata. Tsaka nakiki-connect din siya sa wifi namin kaya naman ganiyan reaksyon niya.
"Sinubukan talaga kitang i-chat kaso lang huli na ang lahat. Bakit naman kasi hindi pa kayo magpakabit ng wifi?" napapadyak siya sa inis.
"Ewan ko ba diyan kay Mudra, kesyo 'di naman daw madalas gamitin," Reklamo niya at bumuntong hininga.
"Siya nga pala gurl, napapansin mo ba 'yung mga tambay sa may gutter?" sabi ni Gabbie habang nakasilip sa bintana mula sa taas ng kwarto niya. Tiningnan ko rin 'yung tinuturo niyang mga tambay malapit sa tapat ng bahay namin.
"Oh, ano namang meron?""Ang iingay niyan 'pag gabi tapos nasa tapat niyo pa. Feeling ko nakiki-connect 'yan sa wifi niyo."
Nilingon ko 'yung mga lalaki. Parang hindi ko naman matandaan na nagbigay kami sa password ng wifi sa iba, bukod kay Gabbie. Ang masama kung hinack nila 'yung wifi namin.
"Feeling mo?""Hmm, yes na yes."
Hindi na namin sila pinansin at nanood nalang ng video ng Seventeen. Natatawa talaga ako sa booseoksoon, sila ang aking favorite unit. Matapos noon ay nanood naman kami ng kdrama ni Gabbie, dahil ang bakla mahal na mahal daw si Lee Jong Suk.
Aba'y siya lang naman daw ang tanging legal wife. LOL.
Hapon na nang mapagdesisyunan ko nang umuwi mula kila Gabbie. Malapit na ako sa tapat ng bahay nang mapatingin ako sa mga tambay sa gutter sa tapat ng bahay namin. Kung totoo man 'yung sabi ni Gabbie, aba grabeng kapal ng mukha 'yan.
BINABASA MO ANG
Pa-connect!
Teen Fiction"Pwedeng pa-connect? Hindi lang sa wi-fi niyo, pati na rin sa puso mo." Summer ng taong 2017, isang puppy love ang umusbong sa pagitan ni Marie at Daniel. Si Marie ay labing-apat, masayahin at may positibong tingin sa pag-ibig. Habang si Daniel ay...