"Iba ka na talaga pare." sabi ng isa sa mga tropa ni kuya na naglalaro ng ml sa bahay.
Paano ba naman kasi dumating na naman si Daniel na may dalang pagkain. Madalas na siyang magdala ng pagkain dito. Nagtataka nga ako kung saan galing ang pera niya.
"Naku hijo, hindi mo naman kailangang magdala ng pagkain araw-araw. Sa ibang bagay mo na lang gamitin ang pera mo." sabi ni nanay.
Tama nga naman siya. Hindi na niya kailangang magdala ng pagkain. Tsaka sabi ni kuya may mga kapatid si Daniel sa probinsiya na pinadadalhan ng pera dapat ipadala niya na lang ang pera sa kanila kaysa gastusin sa amin.
"Ayaw niyo po ba?"
"Hindi naman sa ganoon pero baka may mas mahalaga ka pang paglalaanan ng pera doon mo na lang gastusin." sabi agad ni Nanay.
Mukhang naintindihan naman ni Daniel at sinabing susundin ang sinabi ni Nanay. Tahimik lang kami ni Gab na kumakain ng yema cake. Hanggang sa umalis si nanay at nagpalaam na maglalaba kaya kaming tatlo na lang ang natira sa sala.
"Daniel, senior high ka na 'di ba sa pasukan? Saang school ka papasok?" tanong ni Gabbie. Nakatingin ako kay Daniel, hinihintay ang sagot niya.
Wala na kasing ibang naikwento si kuya tungkol kay Daniel bukod sa kalaro niya ito sa basketball galing kabilang baranggay.
"Ang totoo niyan titigil muna ako ngayong taon sa pag-aaral para magtrabaho." sagot niya na hindi makatingin sa amin. Naramdaman ko ang bigat sa hangin.
"A-ayos lang naman 'yon. Ang mahalaga hindi tumitigil mangarap." sagot ko agad para mawala ang pagka-ilang ni Daniel.
"'D-diba, Gabbie?" siniko ko ang tagiliran ni Gabbie. "Oo naman. Ang mahalaga nagsusumikap sa buhay." tumango ako bilang pagsang-ayon. Nakita kong nagliwanag ang mukha ni Daniel.
“Pero magsusumikap ako na makabalik next year.” dagdag pa niya na may alab sa kaniyang mga mata.
Dahil nga madalas na kami magkakuwentuhan ni Daniel ay naging malapit kami sa isa't isa. Naging magkaibigan na rin kami. Nagkakausap kami about sa mga bagay na hilig namin at iba pang bagay. Pati si Gabbie ay napalapit rin kay Daniel.
"Grabe kayo! Hindi ko na mahawakan 'yung mga card ko." reklamo ko dahil pinagtutulungan nila ako, at tuwang-tuwa pa.
Nagbaba si Gab ng card kaya nang ako na, ay sunod-sunod kong inilapag ang magkakaparehong card. Humalakhak ako nang kumonti ang mga card na hawak ko.
Akala niyo ha. Hindi ata ako papayag na matalo.
"UNO!" sigaw ni Daniel kaya naman nainis kami ni Gabbie.
"Baka naman dinadaya mo kami? Hmm. Ilabas mo na 'yung mga card mo!" sigaw ni Gabbie.
Tumatawa lang si Daniel at nakataas ang dalawang kamay. Itinuloy namin ang paglalaro at akalain mo 'yun si Daniel ang natalo dahil pinagtulungan namin siya ni Gabbie.
"Sandali lang." sabi ni Daniel at lumabas para sagutin ang tawag.
Tuwang-tuwa kami ni Gabbie dahil natalo si Daniel. May kasunduan kasi kami na ang matatalo may dare. Habang hindi pa nabalik si Daniel ay nag-isip na kami ni Gab ng ipagagawa sa kaniya.
"Sorry pwedeng next time na lang 'yung dare? Kailangan ko na kasi umalis. Emergency." sabi ni Daniel.
Saglit na tumahimik. Nagkatinginan kami ni Gabbie saka agad na binalik ang tingin kay Daniel nang nakangiti. Sus. Hindi ako bobo na maniniwala sa ganiyang palusot.
"Emergency ka diyan. Hindi mo kami maloloko. Dali na may naisip na kaming dare." sabi ko. "Kami pa lolokohin mo, gawain kaya namin 'yan. Dali, ipapaliwanag na namin 'yung dare." dagdag pa ni Gabbie.
BINABASA MO ANG
Pa-connect!
Teen Fiction"Pwedeng pa-connect? Hindi lang sa wi-fi niyo, pati na rin sa puso mo." Summer ng taong 2017, isang puppy love ang umusbong sa pagitan ni Marie at Daniel. Si Marie ay labing-apat, masayahin at may positibong tingin sa pag-ibig. Habang si Daniel ay...