Daniel's pov
"Ano bang ginagawa mo dito liz? Diba sinabi ko sayo umuwi ka na" habang nasa lobby kami ng hotel na tinutuluyan ko.
"Kenj bakit hindi mo muna ako pagpaliwanagin? Hindi yung pinagtataasan mo agad ako ng boses"
"Osige liz, explain. Explain mo yung inasta mo kanina, paano kung magalit sakin si Maris? Paano kung isipin nun na pinaglalaruan ko sya?"
"SSSSShhhhhhhh! Pwede ba Kenj! Isipin mo nga, kung hindi ba kita nakita paikot ikot sa labas ng bahay nila Maris, makakapasok ka ba dun? hindi diba? Bago mo ako pagtaasan ng boses jan hindi ka nalang muna magpasalamat" kumalma ako sa sinabi nya. she's right, kung hindi sakanya, hindi ko makakasama mag breakfast si bata.
"Thanks. Pero ano ngang ginagawa mo dito? At anong ginagawa mo kela Maris?"
"Sinabi ni Maris sakin ang bahay nila kaya ako dumalaw dun, at yung pagpunta ko dito. Gusto kitang tulungan, alam ko kung gaano mo kamahal si Maris. at as your friend i'm here to help you. hinawakan nya ang kamay ko.
"Thanks but I don't need your help. After ng double date, pwede ka na umuwi ng pilipinas, akyat nako sa room ko magkikita pa kami ni Maris mamayang gabi" then iniwan ko na sya.
—
2am na, pero wala pa rin si Maris. Dapat nandito na yung batang yun ah?
*bzzzt bzzzt*
1 text message from lizzy
Where are you? I can't sleep. Coffee?
Hindi na rin siguro pupunta si Maris.
To: Lizzy
Sure. I'm on my way.
—
Mari's Pov
Wala si Ate Chen, wala si Louise! Hala paano to.
"Pango? May problema ba?" tanong ni inigo habang nakahiga kami sa sofa.
"Wala.. inaantok na ako Kilay.. tulog na ako ha? Ikaw hindi ka pa matutulog?"
"Hmmm.. tapusin ko lang tong pinapanuod ko tapos tulog na ako. Sige na.. goodnight pango. Iloveyou" sabay kiss nya sa forehead ko.
"Goodnight.. Bilisan mo jan wag ka na magpuyat" at tumango naman sya.
2am na.. tskkk.. bakit kasi wala akong number ni tanda? Kainis naman! Dahan dahan akong bumaba ng hagdan pag para silipin si Inigo.. at boom andun pa nga sya nanunuod pa. Sabi ko matulog eh.. -____-
"Oh pango? Ano ginagawa mo jan? Matutulog na ako maya maya" Bumaba ako mula sa hagdan. Lalakasan ko na loob ko. magpapaalam ako saknyang lalabas muna ako.
"Hindi kasi ako makatulog, pwede ba akong lumabas saglit?" tumingin sya sa akin mata sa mata. kinakabahan ako.. baka hindi sya pumayag
"Anong oras na ah? Delikado na sa labas" sabay balik ang tingin nya sa phone nya.
"Hindi naman ako lalayo, sa may tabing dagat lang ako" bumalik ulit ang tingin nya sakin. Napapikit ako kasi alam ko na ang sasabihin na.
"Sige. Matutulog na rin ako, lock mo nalang pinto mo pag uwi mo ha" sabay patay ng tv at halik sa noo ko.
Abot tenga ang ngiti ko. Agad akong tumakbo papunta sa tree house. Nakakatakot pero kaya ko to! para kay tanda!
"Tanda!" sigaw ko mula sa baba ng tree house. Bukas kasi ang ilaw nito. "Tandaaaaaaaa!" sigaw ko ulit. pero walang sumasagot. Inakyat ko ito pero walang tao.