Daniel's Pov
Marami ang bumabagabag sa isip ko, Pag pasok ko ng kwarto namin ni Lizzy nakatalikod syang natutulog. Dahan dahan kong nilapag ang bag ko sa upuan at nagpalit ako ng damit. Pero hindi naaalis kay Lizzy ang tingin ko, galit ang nararamdaman ko.
"Hmm.. Daniel?" Naalimpungatan nyang sabi. Pero nakatingin lang ako sakanya. "Sorry nakatulog ako kakahintay sayo, kumain ka na ba? Teka paghahain kita" Tumayo sya pero pinigilan ko sya ng madaan sya sa gilid ko.
"Busog na ako, at kung gutom ako kaya ko mag luto ng sa sarili ko. " gustong gusto ko sabihin sakanya na alam ko na hindi sakin ang batang dinadala nya, pero alam ko na kapag nalaman nya yun sasabihan nya si Inigo at masisira ang plano.
---
"Ready ka na ba?" Tanong saakin ni Fourth habang nag ddrive sya papunta kela Loisa.
"I am always ready." Napahinga ako ng malalim, I hope na matapos na ang lahat ng ito.
"Ano kayang magiging reaksyon ni Maris kapag nakita ako no?" Nakangiting sabi ni Fourth "Duwag pa naman sa multo yun haha!"
"Naku bro baka maihi sa shorts nya yun sa takot" Pero feeling ko naman ay hindi kasi maaga pa naman para sa takutan. Ilang minutes lang nakarating kami sa bahay nila Loisa. Walang alam si Loisa na kasama ko si Fourth, actually lahat sila.
Nag doorbell si Fourth. Ako naman ay nasa loob pa ng sasakyan kinukuha ang mga gamit. In case of emergency diba?
"Waaaaa!!! Joshuaaaa!!!!!!!!!!!!!! " Rinig kong sigaw ni Loisa.
"Kalma! kalma Loisa!" Sigaw ni Fourth
"Ano ba yu-- Pu** In* Hoy Fourth aga aga mo nagpaparamdam! Oh shit Loisa!" Nag papanic sila sa nakikita nila at sabay nilang sinaraduhan ng gate si Fourth.
"Hahaha anong nangyare? sabi naman sayo ako na kakatok sinaraduhan ka tuloy ng gate" tawa ako ng tawa pag lapit sakanya.
"Olat pre, mukha ba kong multo? tsk" Nag doorbell na ulit sya at this time ako na ang humarap.
"Sin-o y-an?!" takot na sigaw ni Loisa.
" Ako to si Daniel" Nakita kong sumilip si Loisa at Joshua mula sa poste at dahan dahan na lumapit sa gate.
"Grabe, akala ko si Fourth na nagpaparamdam nanaman" Sabay hinga ni Loisa ng malalim.
"Ako ba hinahanap mo Loisa??" Lumitaw si Fourth mula sa halaman sa labas nila Loisa. at ayun nagsimula nanaman magsisigaw si Loisa at Joshua.
Nang makapasok kami sakanila tska namin pinaliwanag na buhay na buhay ang fourth na kasama ko. noong una ay hindi sila naniwala, pinisil pisil pa nila yung pisngi ni fourth tska sila naniwala.
"Pupunta na dito mamaya si Maris, ano ba kasi ang nangyayari? Pwede paki explain?" Tanong ni Loisa.
"Siguro mas okay if sabay sabay namin ieexplain sainyo lahat. Basta sana wag tong malalaman ni Inigo" Kahit halatang may pagtataka sa mukha ni Loisa ay sumang ayon naman ito.ii
Ilang oras lang at lumipas ng may nag doorbell na.
"Si Maris na siguro to. Teka buksan ko yung gate" Sabi ni Loisa sabay tayo.
Si Maris nga, naririnig ko nanaman ang malambing nyang boses, ang boses na ni minsan hindi nawala sa mga tenga ko.
"Daniel? Anong ginagawa mo dito?!"
----
Maris' Pov
"Daniel? Anong ginagawa mo dito?!" Pasigaw kong tanong. Ang alam ko mag bake kami ni Loisa, pero anong ginagawa ni Daniel dito?!
