Maris' pov
Bukas na ang balik namin ni Inigo sa Bangkok, kaya ito ako nag eempake na ng gamit ko ng biglang pumasok si ate chen.
"Maris" at tinulungan nya akong mag tiklop ng mga damit ko. "Kamusta na kayo ni Daniel?" napatingin ako sakanya at napa kibit balikat. Bakit kasi ayaw nya akong makipag hiwalay kay Inigo? Para may Forevermore na kami kagaya ng Xagnes -___-
"So hanggang pagbalik natin ng Bangkok magtatago kayo?" natigil ako sa pagtitiklop at napaupo sa kama.
"Hindi ko alam Ate Chen, gusto kong mag simula kami pero sya yung may ayaw"
"Bakit daw?" tanong ni Ate Chen habang nagtitiklop pa rin sya ng mga gamit ko.
"Wala syang sinabi, basta ayaw nya. Pinapaasa nya ba ako? Sasabihin nyang mahal nya ako pero ayaw nya akong hiwalayan ko si Inigo" tumigil si Ate Chen sa pagtitiklop at hinila ako palabas ng kwarto.
"Sa ayaw at sa gusto ni Daniel, hihiwalayan mo si Inigo kung ayun ang nararapat, kesa ganyan ka naguguluhan at para hindi mo na din masaktan si Inigo" iniwan nya ako sa harap ng kwarto ni Inigo ngumiti sya saakin at umalis na, kaya ako ito at kinatok si Inigo.
"Pasok" rinig kong sabi nya pagkakatok ko. Pumasok naman ako ng dahan dahan at nilingon nya ako.
"Pango" masayang sabi nya.
"Inigo.. May gusto sana akong sabihin sayo" mabilis ang tibok ng puso ko, parang sasabog na ewan. Pinaghalong kaba at takot.
"Upo ka" mwestra nya sakin sa may kama. At umupo naman ako. "Ano ba yun?" nakangiti nyang tanong. Kaya ko bang saktan ang taong ito? Parang hindi ata. lumunok ako at huminga ng malalim, aanhin ko ang awa kung sarili kong kasiyahan ang di ko makuha? Kaya mo yan Maris.. alam kong maiintindihan ako ni Inigo.
"Ayoko na kasi sumama sayo pabalik ng Bangkok" mabilis kong sabi ng nakapikit. sandaling katahimikan ang bumalot saamin at dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko, nakita kong.. tumatawa sya. "Bakit ka tumatawa?" pagtataka ko.
"Kasi hindi naman tayo babalik ng Bangkok, babalik na tayo ng Manila" kinuha nya ang dalawang plane ticket at inabot saakin ang isa.
"Hindi ko sinabi sayo kasi gusto ko ma-surprise ka" ano ba Inigo? Bakit mo ba ginagawa sakin to?
"P-pero.. Ikakasal si Loisa at Joshua, hindi ako pwedeng mawala don"
"Alam ko, babalik naman tayo ng Bangkok, kasama ang family mo para sa kasal nila" Mas lalo akong nag alinlangan na makipag hiwalay sakanya.
"P-pero Inigo, hindi mo dapat ginagawa to. Hindi ka dapat nag eeffort ng ganito"
"Pero boyfriend mo ko Maris, at isa pa mahal kita kaya ko ginagawa to, kasi gusto ko sumaya ka, gusto ko makalimutan mo si-"
"Daniel? Yun na nga Inigo, Hindi ko kayang kalimutan si Daniel, hindi ko kayang..mahalin ka" unti unting tumulo ang luha sa mga mata ko, singbigat ng nararamdaman ko ang luha sa mga mata ko.
"Pero he's not here. Ako yung nandito bakit hindi ako Maris? Bakit hindi mo ako mahalin? Ano bang kulang? Abs? Tangos ng ilong? Kulay? Height? Ano? Tell me! anong kulang!" lalong bumigat ang pakiramdam ko ng makita kong umiiyak si Inigo. Bakit ba kasi hindi ko sya magawang mahalin?
"Wala sayo ang puso ko Inigo, yun ang kulang. Sorry" tumakbo ako palabas ng bahay. Tumakbo ng tumakbo papunta sa tree house, gusto ko lang mapag isa. gusto ko mag isip.
Pero mas lalong nakagulo sa isip ko ang nakita ko..
-
Daniel's pov
