SC 22

535 21 4
                                    

Fourth's Pov

"Ano franco? Ano ang madalas nilang pag usapan?" Nandito kami sa unit ko, dito ko sya pinag rereport.

"Hindi ho talaga ako makalapit sakanila ser, pero may narinig ako sakanila kaninang pangalan ng babae" sagot nito habang nakaupo at umiinom ng juice.

"Babae? Anong pangalan?" pag uusisa ko sakanya.

"Ma--Maria? ay hinde.. Mar--Marie..." hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya

"Maris ba?" napatigil sya sa pag inom ng juice

"Oo Maris nga! yun yung narinig ko pero hindi ko alam kung ano pinag uusapan nila tungkol don kasi tumigil sila pag lapit ko" at pinagpatuloy nya ang pag inom.

Wala pa rin akong makuhang impormasyon tungkol kay Inigo at Lizzy, ang alam ko lang may mali, ganon na ba sila ka close at para pumunta si Lizzy sa Mansion? At mukhang hindi ito alam ni Daniel, pero mas makakabuting wag ko munang ipaalam at tska ko na sasabihin kapag nalaman ko na ang totoo.

--

Maris' Pov

3am ng magising ako sa pagkakatulog ko, yayakap sana ako kay Inigo ng mapansin kong wala ito sa tabi ko. Asan yun?  Tanong ko sa sarili ko. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at inadjust sa madilim na kwarto, nasa terrace si Inigo paikot ikot at may kausap sa phone.

"Kilay" tawag ko sakanya habang inaaninag sya. Nakita ko naman na binaba nya ang phone at bumalik na sa tabi ko.

"Sino yun? Aga namang tawag yan" mapagduda kong tanong.

"Ah.. wala yung hardinero sa Mansion, diba ganitong oras gising na sila? Tinanong lang kung doon ba ako mag aalmusal" Napakunot naman ang noo ko. Mansion. Almusal, palagi nalang.

"Anong sinabi mo?" Mejo may tampo kong tanong

"Sabi ko hindi, kasi si future Mrs. Pascual ko ay ipaghahanda ko ng masarap na breakfast mamaya , kaya matulog ka na pango kasi 7am maghahanda nako ng breakfast natin" Napangiti naman ako. Halos 2 weeks na kasi syang hindi sumasabay ng breakfast sakin. Dalawa na nga lang kami iniiwan pa ako ng maaga. Hinalikan nya ako sa noo at yumakap na ako sakanya. nasa dibdib nya ang ulo ko.

--

"Bata.. Bata yuhuuuu" tawag ni Daniel sa akin pero hindi ko sya makita,

"Tanda? Tanda nasaan ka?" hinahanap ko sya sa kadiliman. Ang alam ko ay galit ako sakanya, pero bakit ganito? Bakit marinig ko lang ang boses nya lumalambot ang puso ko.

"Bata nandito lang ako.." humihina ang sinabi nya.. Madilim ang paligid wala akong makita.

"Saan? Wala akong makita! Tanda nasaan ka ba?" Takot na ang nararamdaman ko kasi hindi ko alam kung nasaang lugar ako, hindi ko alam kung nasaan sya, ang alam ko lang hinahanap ko sya.

"Hanapin mo ang liwanag, hanapin mo ang katotohanan.." hanggang sa nakita ko na ang liwanag, dahan dahan ko ng naaaninag ang malabong imahe ni Daniel. 

"Tanda!" Tumakbo ako papalapit sakanya kahit mejo malabo pa ang image nya. Pero isang malakas na pwersa ang humigit sakin pabalik sa kadiliman.

--

"Maris!!!" Isang malakas na boses ang nagpagising sakin, pawis na pawis ako at hinahabol ko ang pag hinga ko.

"Thank God gumising ka na, binabangungot ka" Tumingin ako sa mga mata ni Inigo, sabay niyakap ko syang mahigpit. Bakit ko nga ba sya napanaginipan? Hindi ko naman sya Iniisip.

"Wag..mo..ko..iiwan" Hinihingal kong sabi kay Inigo, para bang bigla akong natakot sa dilim.

"Hindi kita iiwan, Promise yan okay? Huminahon ka na, I love you" sabay halik nya sa noo ko.

"Iloveyou too" 

--

"Loisa hindi ko talaga maintindihan bakit ko sya napanaginipan" Kwento ko kay Loisa, nandito ako sa bahay nila at nag coffee, sya? Tubig hahahaha. bawal sa buntis ang coffee.

"Sus naman Maris baka naman wala lang yan." Sabay subo nya ng cake.

"Alam mo baka maging negro ang anak nyo ni Joshua pareho pa naman kayong maputi" Singit ko.

"Ha? Bakit naman??" Gulat nyang tanong

"Ang hilig mo sa chocolate, lagot ka hahaha" sabay bitaw nya ng tinidor na hawak nya.

"Alam mo! wag mo isipin kung ano kulay ng anak ko, ikaw jan maraming iniisip" At bumalik nanaman saakin ang problema ko.

"Nakakapag taka lang kasi, parang totoo yung panaginip ko.. alam mo yun? Wala akong galit na nararamdaman kay Tanda..Niel.. hindi ko alam" napailing nalang ako at sumubo din ng cake,

"Hindi ka naman ata talaga nagalit sakanya, Nasaktan ka lang.. siguro nawala na yung sakit.. baka ganon ang nangyare" Baka nga? Ibig sabihin ba non e hindi ko na talaga sya mahal?

"Siguro, hindi ko alam.. ang weird lang talaga.. matagal ko ng binura si Daniel sa buhay ko.. tapos ngayon babalik nanaman sya sa panaginip ko" napahinga ako ng malalim.

"Minsan ang panaginip may pinahihiwatig.. pero sa ngayon wag muna natin bigyan ng meaning. Maiba ako, bakit di ko na ata nakikita si Inigo?" Ayan pa ang isang problema.

"Andun sa Mansion nya, nagpapayaman" sabay irap ko at inom ng kape.

"Mansion NYO, bakit kasi hindi mo sinasamahan yun? Ano ba trabaho non?" Pag uusisa ni Loisa.

"Hindi ko din alam, sabi nya family business.. " Tumaas ang kilay ni Loisa at nabatukan ako.

"Bruha ka di mo alam trabaho nya don? Talaga bang sya ang mapapangasawa mo??" Inayos ko ang buhok ko.

"Hindi, diba may company sila ng tatay nya, tapos yun lang alam ko. ang hindi ko alam ay yung sa Mansion, ni hindi pa ako napupunta don" Binabanggit nya lang ang business meeting nila dun, parang may balak ata silang bilhin yung katabing lote nila at gagawing resort, pero hindi ko alam. wala akong alam.

"Ay naku bruha ka, ewan ko sayo. Alamin mo kasi mamaya, may kabit.. naku kung ako yun mapapatay ko yung kabit.. silang dalawa actually.. oh taray pwede na ba ko anne curtis?" nabuga ko yung iniinom kong kape sa tawa ko.

"Hahahaha so ikaw yung kabit? Si Christine Reyes kasi yung nagsabi nyan" Napakamot ng ulo si Loisa at pinunasan ang nabugahan kong lamesa.

"Namiss ko to, thankyou bestfriend" hinawkan ko ang kamay nya.

"Ang drama mo teh! sus ikaw pa mas mahal kita kay Joshua no, ikaw nga ang kabit ko! hahaha" Inenjoy ko lang ang oras na yun with loisa..

--

"Bata.. " Boses nanaman ni Daniel ang naririnig ko.. hindi ako nananaginip.. totoo to..

"Daniel ano ba? Ano bang kailangan mo?" Sigaw ko sa kawalan, madilim, ang hirap huminga, masikip ang pakiramdam.

"Ikaw..Hanapin mo ang liwanag, ang katotohanan.. " Katotohanan?

"Nasaan ka ba? Bakit hindi mo sabihin sakin?" Inis kong tanong sa nawawalang Daniel..

"Sa dulo ng liwanag, nandoon ang sagot" Muli kong hinanap ang liwanag, muli ko rin itong nakita at pilit ko itong inaabot ngunit parang hindi ko makamit.. 

Kaya naman pala.. may nakakapit sa damit ko.. hindi ako pinaaalis sa dilim..


--

Sorry sa late update! nuod po kayo MMK sa sabado!

Second Chance (Danris) (My Petite Wife Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon