Maris' Pov
"Tati okay ka lang?" tanong sakin ni Ate Tin habang patuloy ako sa pag iyak dito sa kwarto..
"B-bakit ganon ate, ang sakit sakit.. nag bunga pa yung pagtataksil nya sakin" walang tigil ang luha ko, ang sakit sobra.. bumalik lahat ng alaala nung nakita ko sila sa Tree House..
"shhh tahan na, hindi ka na bata remember? Hayaan mo na sya, baka hindi talaga kayo para sa isa't isa" mahigpit akong niyakap ni Ate Tin..
---
6 months later...
Masaya na ako kay Inigo, actually nag pplano na kami magpakasal very soon, nakalimutan ko na rin naman si Daniel. Kahit papano...
"Babe nag text si Loisa, punta daw kami East mamaya may sasabihin daw sya importante eh" yakap ko kay Inigo habang naglalaro sya sa computer.
"Hmm.. ano oras? nag text din so Joshua sakin sesh daw kami" at nagkatinginan kaming dalawa, 6 months na rin mula ng kinasalan sila, and oo nga pala nakabalik na kami ng pilipinas. Iniwan ko na ang lahat sa Thailand.
"OMG Babe!!!! hahaha No, icoconfirm ko muna mamaya kung tama to" Yasss! kutob ko o namin buntis na si Loisa.. OMG magiging ninang nako!!
"Hahahaha grabe ang bilis talaga ni Joshua, tayo babe kelan tayo magkaka-baby?" tumayo si Inigo at hahalikan ako pero tinulak ko sya.
"Hoy Inigo matuto ka mag hintay, hindi pa tayo kasal wag kang ano jan. jan ka lang wag ka lalapit sakin hahaha" napa kamot sa ulo si Inigo at bumalik sa paglalaro.
Masasabi ko ngayon na masaya na ako sa buhay ko, mag poging mapapangasawa, mapag mahal na pamilya magandang trabaho, ano pa ba mahihiling ko?
---
"Oh game guys actually kaya ko kayo niyaya lumabas kasi may good news ako sainyo" masayang sabi ni Loisa habang nandito kami sa paborito namin resto sa eastwood.
"Hay nako girl ano nanaman ba yan?" Nichole.
"Pwede ba wag kang panira ng moment!" sigaw ni Loisa kay Nichole
"Whatever hahahaha" Pang aasar pa ni Nichole.
"Kasi guys... nag punta ko sa OB kanina, and guess what?!" masayang sabi ni Loisa na halata sa mukha ang pagka excite.
"Buntis ka, nagpunta ka ng OB eh, hahahaha" Pang aasar ulit ni Nichole at binato sya ng tissue ni Loisa.
"Basag trip ka no, oo nga 2 months na akong buntis!!!! ang saya no!" isa isa namin niyakap si Loisa at nag congratulate.
"So ninang kami?" Excited na tanong ni Jane
"Hindi ninong ka Jane, duh it's obvious" sabay irap ni Nichole sakanya.
"HepHep guys! may bago nanaman tayong inaanak ang saya!!" pinutol ko na at baka mag away nanaman sila.
"Si Jane at Maris lang ang pwede, kasi inaanak ko na yung anak mo nicholskie but syempre no! hihingan kita ng pamasko!! hahaha"
See, mas masaya na ako kumpara noon, masaya ako sa mga taong nakakasama ko. Kami kaya ni Inigo kailan magkakaanak no?
---
Daniel's Pov
"Dandan! gusto ko ng mangga" Sabi ni Lizzy,
"Lizzy saan naman ako kukuha ng mango ng ganitong oras? Patulugin mo nako please" sabay ikot ko patalikod sakanya. pero yumakap sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28376968-288-k643399.jpg)