"Tinawag kita kanina nung naliligo ka pa pero hindi mo ata ako narinig, sorry" Pagpapaliwanag ni Ate Tess.
Nandito kami ngayon sa kusina, kumakain. Nag ayos na rin ako ng buhok, nag suklay at nag pabango, hindi ko na tuloy na-blower ang buhok ko dahil syempre kinakabahan ako kasi andun si Miko sa baba. Hindi ako mapakali!
"Okay lang po" Sagot ko naman kay Ate Tess.
Hindi ko rin maramihan ang kinakain ko kahit favorite ko ang ulam namin na Caldereta, nakakahiya kasi kay Miko baka mauna siyang matapos kumain tapos hihintayin pa niya ako matapos 'di ba?
Napaka pa-VIP naman kung ganoon, nako!
Kanina pa ako na a-awkwardan sa sitwasyon, ni hindi ako makatingin sa mata ni Miko. Binilisan ko na agad ang pagkain ko nang makitang matatapos na rin siya sa pagkain.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero kasi kung mauna siyang matapos ay baka tanungin siya o kausapin siya ni Mommy, hindi ko naman alam kung ano nasa isip ni Mommy, ugh! Hindi ko na alam gagawin ko!
Ang OA ko masiyado pero siya pa lang ang lalaking pinapapunta ko dito sa bahay. Well, hindi ko naman siya pinapunta, I mean, para lang sa research 'to, eh. Pero siya pa lang ang lalaking bisita ko dito sa bahay.
Natapos naman na kaming kumain. Pagkatapos ay sinabihan kami ni Mommy na mag start at iniwan muna kami para raw hindi siya maka-abala sa research namin.
Saglit muna akong umakyat para kunin ang laptop ko at ang ibang mga gamit na pwede naming gamitin tulad ng notebook, ballpen, at kung ano ang sa tingin kong magagamit namin.
Pagbaba ko naman ay naabutan ko siyang nakaupo sa lapag at binubuksan ang laptop niya.
"Miko" Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin at itinaas ang kilay. "Uh...g-gusto mo sa taas or d-dito nalang?" Dugtong ko pa.
Mukha kasing hindi siya comfortable na nakaupo sa lapag tapos fitted pa pantalon niya, bakit kasi siya nag pantalon, eh, mag r-research lang naman?
"Ikaw...bahala" Mahinang sagot niya. Bakit ba biglang tumahimik at humina ang boses nito? Siguro nahihiya or hindi pa sanay, masasanay naman siguro siya maya maya.
"Tara" Pag a-akit ko sa kaniya.
Tumayo naman siya at dinala ang mga gamit niya, "Baka may binabalak ka kaya mo ako inaakit diyan sa taas, ha!" Pinanliitan niya ako ng mata at nagkunwaring natatakot.
"Huh? K-kabahan ka nga sa mga sinasabi mo" Seryong sagot ko sa kaniya. Pero ang weird nga naman na inakit ko siya sa taas... at sa kwarto ko pa!
Teka teka. naiiba na ata ang nasa isip niya, shit ka Miko.
"Research!" Pabulong na sigaw ko sa kaniya para ipaalala na research ang ipinunta niya rito.
Napatawa nalang siya bago sumunod sa akin.

BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Teen FictionThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...