CHAPTER 27

12 0 0
                                    

Elvie's POV

"Pakawalan niyo na kami dito!"saad ni Maia pero isang sampal lang ang natanggap niya.

"Maia"umiiyak na sabi ko. Sasampalin na sana ako ng isa sa kanila ng may marinig kaming putok ng baril.

"TANGNA! SINONG NAKAPASOK?!" sigaw ni Janna. Biglang bumukas ang pinto at isang lalaki na may sugat ang pumasok.

"Madam Janna! May mga nakapasok! Kasama po nila ang nobyo niyo"humihingal na sabi nung lalaki.

"Mukhang alam na niya. Maganda yan. Ilabas sila! Sabihin kay Tito Nicko na nandito na sila"rinig naming sabi ni Janna sa lalaki. May lumapit sa amin ni Maia at itinayo kami ng marahas.

"Bitawan niyo kami!"saad ko pero sinampal ako ni Janna.

"TANGNA MO JANNA!"sigaw ni Maia sa kaniya. Hinawakan ni Janna ang panga ko.

"Dapat sayo pinapatay! Hindi sa'yo si France, Elvie! Dahil kay Lovely lang siya! Sa pinsan ko siya! Magpasalamat ka nalang na hindi ka pa namin pinatay dahil kailangan muna naming makuha si France bago ka namin patayin! Ilabas na sila!"galit na sabi niya sa akin. Kinaladkad kami nung dalawang lalaki hanggang sa makarating kami sa malawak na parte nitong abandunadong building.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sila France.

"FRANCE!"umiiyak na sigaw ko pero isang malakas na sampal ang natanggap ko.

"Hayop ka! Wala kang karapatan para saktan siya gago!"galit na sabi ni France sa lalaking nanampal sa amin.
Susugod na sana siya pero agad na hinarang ni Donna ang kamay sa kaniyang harapan. Matiim siyang nakatitig sa akin. Ngunit bigla siyang ngumisi habang nakatingin sa akin. Bumuka ang kaniyang mga bibig. Napangiti ako ng mabasa ko ang kaniyang nais na ipahiwatig.

'Ililigtas namin kayo'

"Mabuti naman at nakarating din kayo. Aking anak"saad ng isang lalaki.

"How dare you to lay that damn filthy finger on them!" galit na sabi ni Claude.

"Masyado naman kayong mainitin ang ulo"saad ng isang babae na ngayon ko lang nakita.

"Ohh, Look I saw a killer" biglang saad ng isang bata na ikinagulat namin. Napalingon kami kung sino iyon.

"And who are you kid?!"rinig kong tanong ni Janna.

"Hi! I'm Dark! I'm 12 years old"saad nung bata. Kamukha niya din si Damian. Hindi kaya ay panganay niya ang batang iyan at bunso niya naman si Dale.

"WHAT THE ACTUAL F*CK?!" sabay-sabay nilang tanong.

"TITA DONNA!!!! I MISS YOU!" sigaw nung bata bago siya tumakbo kay Donna at niyakap ito.

"Shut up kiddo"malamig na turan ni Donna. Biglang narinig kami ng pagkasa at ang pagputok ng baril. Nakita nalang namin na nakahandusay na sa baba ang lalaking nanampal sa amin.

"Good job, Dark"nakangising sabi ni Donna.

"I'm mana sayo, Tita"Dark said before he looked at us. His eyes become darkened.

"Hahahaha! Nagpapatawa ba kayo? Isang bata? Dinala niyo dito?"natatawang sabi nung babae.

"Don't underestimate a kid, Miss Clownfish"malamig na sabi ng bata.

"What did you just said?" galit na sabi nung babae at tinutok ang baril sa bata.

"IN COUNT OF THREE! ONE! TWO! THREE!"sigaw ni Damian kasabay ang sunod-sunod na pagputok ng baril sa labas.

"What the?!"gulat na tanong nang isang lalaki bago sila sumugod kila Donna. Dalawang lalaki naman ang humila sa amin paalis sa lugar.

"Ano ba bitawan niyo kami!" pagpupumiglas ni Maia.

"Malilintikan kami kay Nisshoku kapag may nangyaring masama sa inyong dalawa"rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses bago ko naramdaman na umangat ako.

"Teka? Kuya Kiero? Kuya Jay?" gulat na sabi ko sa kanila. Tumakbo sila habang buhat-buhat kami ni Maia. Nang makalabas na kami ay agad na isinakay kami sa isang kotse.

"Teka?! Sila Claude nasa loob palang!"sabi ni Maia.

"Hindi kami pwedeng bumalik dahil ang usapan namin ay magpapanggap kami bilang isang kasamahan nila at kapag dumating na sila at nagbilang na si Damian ay itatakas namin kayo at ilalayo sa lugar na ito"sagot ni Kuya Kiero bago niya pinatakbo ang sasakyan.

"Pero baka mapahamak sila!" sagot ko naman.

"Hindi hahayaan nila Donna na may mapahamak ni isa sa kanila at kapag bumalik pa tayo dun ay baka mapahamak kayo lalo ka na Elvie. Dahil sinabi sa amin ni Donna na buntis ka"sagot ni Kuya Jay.

"Pero Kuya Jay...hindi niyo ba sila tutulungan?"tanong ko sa kanila.

"Marami sila Elvie. Hindi mo kailangang mag-alala. Nagsama-sama ang malalakas at nakakatakot na grupo ng Mafia"sagot ni Kuya Kiero habang nagmamaneho.

"Teka? Ano? Malalakas at nakakatakot? Anong ibig mong sabihin Kuya?"tanong ni Maia sa kanila.

"Ang apat na grupo na nangunguna ay nagsama-sama. May dumagdag sa nakakatakot at malakas na grupo ng isang Mafia. Kung dati ay nangunguna ang Moonlight dahil sa pinuno nito. Ngayon ay nasa pangatlong pwesto na ito. Nangunguna ang bagong itinatag na grupo ni Donna. Iyon ang Mitsuzō Sake o ang ibig-sabihin ay Moonshine. Sila ang nangunguna kahit na kaunti palang ang miyembro nila ay nangunguna na ito sa pinakamalakas at nakakatakot na grupo"paliwanag ni Kuya Kiero. Nakikinig lang kami sa kaniya.

"Dahil binubuo ito ng tatlong malalakas na lider. Ang pinaka-pinuno nila, Donna Smith-Harrison o mas kilala bilang Nisshoku Smith. Ang pangalawa sa kanila ay si Dhruv Smith-Harrison o mas kilala bilang Ice Smith. Hindi ko alam kung bakit Ice ang ipinangalan sa kaniya. Ang pangatlo naman ay si Damian Smith-Harrison o mas kilala naman bilang Ace Smith. Silang ang bumuo sa bagong grupo"sagot naman ni Kuya Jay.

"Sino ang pangalawa sa kanila Kuya?"tanong ko.

"Ang Sun&Moon na pinamumunuhan ni Justin Parangan o mas kilala bilang Wraith. Siya ang pang-apat na kinakatakutan sa loob ng Mafia world"sagot ni Kuya Kiero.

"Ang ikaapat?"tanong ni Maia.

"Ang grupong kinabibilangan namin. Ang Moonlight na pinamumunuhan naman ni Jacob Palma o mas kilala bilang Cat. Ang kaniyang kanang kamay na si Kevin Pulido na mas kilala bilang Tiger na pang-lima naman sa kinakatakutan sa loob ng Mafia world. Jay Palma o mas kilala bilang Dark Monster ang ikalima. Kiero Del Fuente o mas kilala bilang Black Wolf ay ang ika-amin. Mark Del Fuente o mas kilala bilang Psycho ang ika-pito. Ika-walo naman si Jacob o mas kilala sa tawag na Cat" pagpapaliwanag ni Kuya Jay.

"Ang ika-siyam ay ang leader ng Scorpion. Nicolai Ramos o mas kilala sa tawag na Dragon. Ang ika-sampo ay si Claude Manzano o Jackal. Ang ika-labing isa naman ay ikaw. Maia Bernardino o mas kilala sa tawag na Massy. Ang ika-labing dalawa naman ay si Aiden Ramirez o mas kilala bilang Jaguar. Ang ika-labing tatlo ay si Allen Walker o mas kilala bilang Knite Walker. Ang ika-labing apat naman ay si Chantrea Lopez I mas kilala bilang Chantie. At ang ika-labing lima ay si Dark Smith-Harrison, ang panganay na anak ni Damian" paliwanag naman ni Kuya Kiero.

"PANGANAY!?"gulat na tanong namin ni Maia.

"Yes, itinago ni Donna si Dark 6 months ago"sagot ni Kuya Kiero.

"Pero bakit?"tanong ko sa kanila.

"It's because Dark is not yet ready to face his own father. Ang alam ni Dark ay iniwan siya ni Damian but the truth, Damian didn't know about him and Dale. Magkapatid talaga si Dark at si Dale. Dark is 6 years older than Dale but they have the same personality"Kuya Jay said.

"Magpahinga na kayo at medyo malayo-layo pa ang biyahe"saad ni Kuya Kiero. Tumango nalang kami bilang sagot bago kami natulog ni Maia.

'Be safe, love'

To be continued

My One and Only (Friend to lovers Series#4)✓Where stories live. Discover now