CHAPTER 24

13 4 0
                                    

Elvie's POV

Nakakapagtaka na bigla-bigla nalang naging malamig ang pakikitungo ni France kay Janna. Pansin ko din ang lagi nitong pasulyap-sulyap sa kaniya na tila ba binabantayan nito ang bawat kilos niya.

"France? Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin bago siya umalis.

"Elvie!"rinig kong tawag sa akin ni Janna.

"Bakit?"tanong ko sa kaniya.

"Tara punta tayong mall" pag-aaya niya.

"Pero bawal akong lumabas" sagot ko sa kaniya.

"Sige na! Minsan lang 'to! Kasama naman natin yung ibang girls"nakangiting sabi niya.

"Magpapa-alam muna ako kay France"saad ko sa kaniya.

"Wag na! Naka-usap ko na siya kanina at sabi niya okay lang daw"sagot niya kaya tumango nalang ako. Hinila niya ako papunta sa sala kung saan naabutan namin sila Steph na naghihintay.

"Gora na tayo!"masayang sabi ni Aquisha.

"Hindi na sasama sila Bea?" tanong ko sa kanila.

"Elvie, may anak sila Ronalyn at Bea na kailangan nilang alagaan at isa pa anim na buwan ng buntis si Jenalyn" sagot ni Claire.

"Buntis din naman ako"sabat ko.

"Teh, alam mo ikaw weeks palang, siya anim na buwan baka magalit pa yung asawa niya"saad ni Aquisha bago nila ako hinila palabas ng bahay. May nakita kaming isang van.

"Tara na"masayang sabi ni Claire bago sila pumasok sa van. Sumunod nalang kami. Katabi ko si Maia habang katabi naman ni Aquisha si Steph at magkatabi naman sila Janna at Claire. Naramdaman namin na gumalaw ang sasakyan hudyat na paalis na kami sa bahay.

"Elvie?"biglang bulong ni Maia sa akin.

"Bakit?"bulong ko pabalik sa kaniya.

"May masama akong pakiramdam. Parang may mangyayaring hindi kanais-nais mamaya. Mag-iingat ka"bulong niya sa akin. Kahit na naguguluhan ay tumango ako bilang sagot. Hinawakan ni Maia ang kamay kamay ko, tila ba may nilagay siya sa kamay ko. Napatingin ako doon at nakita ko ang isang bracelet.

"Hindi yan simpleng bracelet lang, Elvie. May tracker ang bracelet na yan. Wag mo sanang tatanggalin yan"bulong ulit ni Maia sa akin.

"Sige, hindi ko ito tatanggalin"sagot ko sa kaniya. Ngumiti siya bago tumango.

Ilang oras pa ay nakarating na kami sa mall. Agad kaming lumabas ng sasakyan at napangiti ako dahil nakalabas na ulit ako.

"Tara na sa loob!"masayang sabi ni Claire, Aquisha at Janna bago sila nagsimulang maglakad.

"Maia, iba din ba ang pakiramdam mo?"biglang tanong ni Steph kay Maia bago namin sinundan sila Janna.

"Oo, parang may hindi magandang mangyayari"sagot ni Maia na katabi ko.

"Elvie, hindi ka nalang sana sumama. Malakas ang pakiramdam namin ni Maia na may mangyayaring hindi kanais-nais"saad sa akin ni Steph.

"Hindi na ako nakatanggi kay Janna kanina kasi hinila na niya ako"sagot ko.

"Basta wag kang hihiwalay sa amin ni Steph lalo pa ay may bata diyan sa sinapupunan mo"nag-aalalang sabi ni Maia.

"Ang tagal niyo naman maglakad!"reklamo nila Claire at Aquisha.

"Tara na dali! Elvie halika na"masayang sabi ni Janna bago ako hinila palayo kila Steph at Maia na walang nagawa kung hindi ang sumunod sa amin.

"Tara doon sa Game Zone!" masayang sabi ni Aquisha. Agad kaming pumunta doon upang maglaro.

"Elvie, yung sinabi namin sayo. Wag kang lalayo sa amin lalo na sa akin"mahinang bulong ni Maia sa akin. Nagpatango nalang ako sa sinabi niya.

Nagsimula na kaming maglaro sa game zone. Ito ulit yung unang beses na nakapunta ulit kami dito dahil sa dami nang nangyari sa buhay namin.

Alam kong gusto lang nila kaming protektahan pero ayoko naman yung nasa bahay lang ako dahil naboboring din kami nila Aquisha. Mabuti sana kung maraming bata doon sa bahay. Tsaka ayaw sa amin nila Noah at Nathan. Kapag kukunin namin sila, bigla silang iiyak. Kapag nakikita naman nila si Donna ay agad silang magpapakarga sa kaniya. Sila Noah at Nathan ay kulay asul ang mga mata katulad kay Donna dahil alam kong lagi iyong pinagmamasdan ni Bea noong pinagbubuntis niya palang sila Noah at Nathan.

Hindi ko din lubos na maisip na may anak na si Damian. Kahawig na kahawig niya si Dale pati ang pakikitungo ni Damian sa iba ay naman ni Dale sa kaniya. Hindi maipagkakaila na mag-ama nga sila Dale at Damian.

Ilang minuto din kami doon sa may Game Zone bago kami nakaramdam ng gutom. Agad kaming pumunta sa may food court at umupo sa may bakanteng upuan.

"Kami nalang bibili!"saad nila Claire, Aquisha at Janna. Tumango nalang kaming tatlo nila Steph. Nang makalayo na sila sa amin ay biglang nilabas ni Maia ang selpon niya.

"Maia bakit mo dala yan?" tanong ko sa kaniya.

"Kailangang malaman nila Donna kung nasaan tayo, Elvie"sagot ni Maia pero bubuksan niya na sana yung selpon niya ng biglang bumalik si Janna kaya agad na tinago ni Maia yung selpon niya.

"Sila nalang daw pala yung mag-oorder! Masakit na din yung paa ko"nakangiting sabi ni Janna. Ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango.

"Ise-serve nalang yung order natin!"saad ni Claire bago siya umupo. Kasunod naman niya si Aquisha na umupo sa tabi ni Maia.

"Grabe! Parang first time ulit nating nakagawa ah" natatawang sabi ni Aquisha.

"Steph, Maia! Kanina pa kayo tahimik, di ba kayo nagsaya?" tanong ni Janna sa kaniya.

"Ah, hindi sa ganun, Janna! May iniisip lang kami"sagot ni Steph.

"Wee? Baka kung ano na yan" saad ni Janna.

"Wag niyo nalang kaming intindihin"sagot naman ni Maia kasabay ng pagserve sa amin ng pagkain.

"Grabe ang dami naman nito! Mauubos ba natin 'tong lahat?"tanong ko sa kanila.

"Dzuh! Baka nakakalimutan mo na matakaw 'tong dalawang 'to"pagtataray ni Janna bago niya itinuro sila Aquisha at Claire na nagsimula nang kumain. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik.

Ilang minuto pa ay natapos din kami. Sila Aquisha, Janna at Claire din lang yung nakaubos ng mga pagkain. Nagbayad na kami bago kami umalis ng food court at lumabas ng mall. Agad kaming pumunta sa parking lot at pumasok sa van.

"Grabe busog na busog ako dun ah"sabat ni Claire.

"Ang takaw mo kasi"natatawang sabi ni Aquisha.

"Tara na manong"sabi ni Janna na umupo sa harap. Katabi ko parin si Steph.

Biglang umandar yung sinasakyan namin kaya nakahinga ako ng maluwag. Wala mamang masamang nangyari sa amin or so I thought.

Ilang minuto kaming nasa daan at napatingin ako sa harapan nang biglang nagtakip ng panyo yung driver at si Janna sa kanilang ilong.

"Teka, Janna! Anong meron?" natatarantang tanong ni Claire. Sa halip na sumagot ay may unti-unti kaming nalanghap na kakaibang kamoy.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo na batid kong nararamdaman din nang iba.

"Tangna mo, Janna! Traydor ka! Gago!"nahihirapang sabi ni Maia.

"Hahahaha! Hindi ko alam na madali pala kayong mapa-amo" natatawang sabi ni Janna.

"Claire! Aquisha!" nahihirapang sabi ko ngunit wala akong narinig na tugon nila. Nilingon ko sila Aquisha at Claire na nakapikit na.

"Tangina mo! Sinisigurado kong....ma... malalaman nila...a-ang nangyari"huling sabi ni Maia bago siya nawalan ng malay.

"E-elvie!"rinig kong sabi ni Steph.

"S-steph!"

Unti-unti ng bumubigat ang talukap ng aking mga mata.

"Sleep well, Girls"

Huli kong narinig bago ako tuluyang sinakop ng kadiliman.

To be continued

My One and Only (Friend to lovers Series#4)✓Where stories live. Discover now