02 - Takeoff

306K 10.9K 7.4K
                                    

Pagkabalik ko sa dorm ay gising pa si Akane habang si Riye ay nakatulog na doon sa bundles of books niya. Tinignan ko ‘yung orasan at 4 AM na pala.

“Magkasama na naman kayo,” sabay pataas-taas pa ni Akane ng kilay niya. Her sixth sense has improved at one kilometer na ang covered nun. For sure narinig niya ‘yung usapan namin.

“Sasama ka sa amin,” sabi ko tapos umupo ako sa tabi niya.

“Ha? Saan?”

Pinakita ko sa kanya ‘yung message ni Darwin at sumeryoso ‘yung expression niya. Hanggang ngayon ay malalim pa rin ang galit ni Akane sa mga Shinigami pero kahit papaano ay hindi kay Darwin. At nakapag-usap naman sila dati kahit ilang seconds lang.

“Ito ba ‘yung pinag-usapan niyo ni Hiro kanino about sa right time?”

“Yeah. At kailangan kong magsama ng dalawa.”

“So si Hiro at ako. Well ang sixth sense namin ang pinakaeffective na gamitin pagdating sa meetings and assembly. So hindi ‘to alam ng Papa mo?”

Tumango naman ako. Dahil sa dami ng trabaho at inaasikaso ni Papa sa school at sa iba pang affairs ay ayoko nang idagdag pa ‘to. Besides, kami naman ni Darwin ang nagpasimula nito. Gusto ko ring patunayan sa sarili ko na kaya kong gawin ‘to. At gaya nga ng sabi ni Darwin, para ‘to sa future generation.

“Kung hindi ‘to alam ni Sir Hideo, illegal ‘to. Tatakas tayo? Pero baka makita niya tayo.”

“Nope. Natrack ko na ang best way para hindi niya tayo makita. Pero ang problema lang ay kung paano tayo pupunta doon.”

“Bakit? Saan ba ‘tong Yllka Shrine? Teka, Yllka? Parang familiar ‘to ah?”

“Sabi ni Hiro, si Yllka daw ang isa sa founders ng Huntres tribe along with Ivankov. At ang shrine niya ay located sa Romania.”

“Romania?! Paano tayo pupunta doon?!”

Biglang tumayo si Akane at kumuha siya ng world map. Pero ang kaibahan nun sa ordinary maps ay naka-mark doon ang known bases ng bawat tribes. Nakuha namin ang map na ‘to sa restricted section at medyo luma na kaya for sure ay hindi na updated ang bases. Pero mukhang  magagamit pa naman, though ancient alphabet ang gamit na markings. Nilapag niya ‘yun sa pagitan namin at tinuro niya ‘yung Romania tapos may nakasulat doon na ⊱ҵҵжͽ •ϫѫѯǂᵻҩ.

“Wait lang...tignan mo.” Tinrace naman ni Akane ‘yung Yllka Shrine na located sa Transylvanian Alps tapos tinuro niya ‘yung main base and headquarters ng bawat tribe. “Nasa gitna ‘tong shrine. Wow ha. Naisip ni Darwin ‘yun?”

Narealize ko naman na tama ‘yung sinabi niya at namangha ako bigla. Akala ko, pinili lang ni Darwin ang place na ‘yun dahil walang malapit na minor bases doon. Hindi ko akalain na ‘yun ang nasa gitna ng major Erityian bases sa buong mundo. Strategic location ngang maituturing ‘to. Ang galing lang at naisip ‘yun ni Darwin.

“Mukhang hindi tayo matutulog ngayon. May 6 AM class pa man din tayo kay Ma’am Michiko.” Tumayo si Akane at binalik niya ‘yung map sabay sabing, “bakit kasi umaga ang PE class natin? Sino bang sira ang tuktok ang nagsuggest nito?”

“Si Ken,” sabi ko naman.

“Utak talaga nun, may switch. Minsan on, madalas off.”

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon