13 - Reminiscence

206K 8.9K 6.5K
                                    


"Akemi, tara na! Late na naman tayo!" sigaw ni Akane habang palabas na sila ni Riye ng kwarto pero nginitian ko lang sila.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Pagkasabi ko nun ay nagtinginan silang dalawa at lumabas na ng kwarto namin.


Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung araw na 'yun. Dalawang araw ko na ring pinag-aaralan ang laman ng chip na binigay sa akin ni Darwin. The chip that contains information about my mother and eye projects.

Kahapon ay nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba 'to o hindi, pero nung bandang gabi na at tulog na sina Akane at Riye ay sinaksak ko ang chip sa holophone, a device where you can view any data in 3D or hologram. Inuna kong tignan ang pictures na nakalagay doon at halos sumikip ang dibdib ko habang ginagawa ko 'yun.

They documented her through photos and videos during her imprisonment and when she was giving birth to me. I viewed the pictures and my tears fell non-stop. Nararamdaman ko ang hirap at sakit na dinanas niya. Alam kong sobrang hirap ng pinagdaanan niya base sa mga kwentong naririnig ko pero ngayong nakikita ko ang nangyari ay mas malala pa pala 'to kaysa sa iniisip ko.


"Please, let me hold her for the first and last time," sabi ni Mama sa video na pinapanood ko.

"Is that your last wish?" Tumango si Mama. "I'll give you fifteen seconds. Cherish it."


Parang lumubog ang puso ko nung narinig ko 'yun. Kung pwede lang na hiramin ang sixth sense ni Hiro nung mga panahong 'yun. Gusto kong maalala ang nangyari noong bagong silang pa lang ako. I want to feel that I was held by my mother during her last moment. I want to remember it all but I can't.


"Rainie-"


Bigla ko namang napatay ang hologram nung may tumawag sa akin at pagtingin ko ay nasa harapan ko na si Darwin. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at kinalma ko ang sarili ko.


"Sorry. I didn't mean to-"

"It's okay. I'm okay."


Nakatingin lang ako sa paanan ko dahil feeling ko ay maiiyak lang ulit ako kapag hinarap ko siya. Ilang beses akong huminga nang malalim para kumalma at saka ako humarap sa kanya.

Nakakapasok na nga rin pala sa Tantei High ang ilang Shinigami para sa truce na nangyari sa apat na tribes. Their representatives can enter the campus using the Black Dimension since we want to prevent them from being seen by the students. Their presence may start panic for those who don't know the agreement. For the Shinigami tribe, the detector won't apply to Darwin and his parents for a certain time range since they are the representatives.


"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya at bigla siyang nag-iwas ng tingin. Narealize ko rin na hindi siya nakasuot ng black cloak, the typical Shinigami style, ngayon at naka-white shirt, faded jeans and cap siya.

"Well, nalaman kong field trip ngayon ng St. Joseph."


Wow. I feel nostalgic after hearing the name of our school. Ang tagal na rin simula noong umalis ako doon at nagsimula ang buhay ko bilang isang Senshin.


"Walang tao ngayon sa school at naisip kong dumalaw. Dinaanan lang kita para ipaalam 'yun at kung gusto mo ring sumama-"

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon