06 - Summoned

243K 9K 1.9K
                                    


Ilang araw na ang nakakalipas simula nung mangyari ang meeting ng next generation of leaders ng Erityian tribes pero kahit nasa klase kami ay 'yun pa rin ang nasa isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon kami ng maraming plano para sa future ng Erityian race. Kapag naaalala ko ang panahon na 'yun, bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa laki ng pwede naming maging epekto sa kanya-kanya naming tribes.


"Akemi, are you listening?" Napatingin naman ako bigla kay Ms. Aiko dahil narealize kong nawala na pala ang isip ko sa klase.

"S-sorry, Ma'am." Napayuko na lang ako. Narinig ko naman ang pagbuntung-hininga ni Ms. Kano.

"Just make sure to read all the lessons today, okay?"

"Yes, Ma'am."


Buti na lang talaga at mabait si Ms. Aiko. Kaso nga lang, mahirap talaga ang subject na itinuturo niya, which is Anatomy and Physiology. Kailangan naming kabisaduhin at maintindihan ang lahat ng body systems at kung ano ang functions nila. Naalala ko 'yung unang cases namin at na-amaze ako sa Atama family dahil kabisado nila ang katawan ng isang tao kaya madali nilang madedetermine ang location ng wounds and probably kung anong dahilan ng pagkamatay, especially Riye since nakakatulong din ang sixth sense niya.

Nasa basic pa lang ako at 'yung lima ay advanced na ang inaaral pero ayos lang dahil ako na lang naman ang wala pang background pagdating sa mga ganito. Idagdag pa na hindi talaga ako mahal ng science.

Natapos na ang one-on-one class namin ni Ms. Aiko kaya lumabas na siya ng room. Si Mrs. Kano naman ang professor nung lima at nasa kabilang room sila. Nagstay muna ako rito at tinignan ko ang handouts na nakalatag sa table ko. Sana lang ay maaral ko ang lahat ng 'to bago mag-exam.

Iniscan ko lahat ng handouts at nakakahilo ang dami ng mga pangalan ng parts bawat systems. Tapos kailangan ko pang intindihin ang function nila.


"Ms. Akemi?" Napatingin naman ako bigla sa may pintuan at nakita ko ang isang babae na nakatayo doon. Tumayo naman ako agad at lumapit sa kanya.

"Bakit po?"

"Pinapatawag ka ng President." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay nagbow siya at nung palabas na ako ng room ay nakita ko si Hiro na nakasandal sa pader sa labas. Itatanong ko pa lang sana kung bakit siya nandoon pero 'yung babae na ang sumagot.

"Pinapatawag din siya."


Sumunod kami sa babae papunta sa Intel Department. Tahimik lang kaming naglalakad. Bigla akong kinabahan dahil baka nalaman ni Papa ang nangyaring secret meeting sa pagitan ng apat na tribes kaya niya kami pinapatawag. Baka nagalit siya dahil hindi namin sinabi or hindi man lang kami nag-consult sa kanya.


'I think it's not about that.'


Napatingin ako kay Hiro pero diretso pa rin ang tingin niya. Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Siguro nga hindi naman tungkol doon ang dahilan ng pagpapatawag niya sa amin.

After five minutes ay nakarating kami sa Intel Department at humiwalay na sa amin 'yung babae. Umakyat kami papunta sa room ni Papa pero napatigil kami sa harap ng pinto. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para buksan 'yun.


"—need them."


Napatigil kami ni Hiro nung nakita namin kung sino ang kasama ni Papa sa loob ng office niya. Magkausap sila pero napatigil din sila nung nakita nila kaming pumasok.

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon