14 - Memories

203K 9.4K 10.4K
                                    


"Mama..."


Ilang araw na ang nakakalipas nung sinimulan kong basahin at pag-aralan ang lahat ng nakalagay sa chip. Ilang gabi na rin akong umiiyak dahil sa mga nangyari kay Mama nung nandoon siya sa Dungeon. Sobrang sakit makita lahat ng 'yun. Sobrang sakit malaman lahat ng pinagdaanan niya para sa akin.


"Mama," I called.


Nandito ako ngayon sa harap ng puntod niya. Kanina pa ako nakaupo rito dahil gusto ko lang siyang makasama ngayong araw. Gusto kong nasa tabi niya ako ngayon dahil alam kong ilang buwan siyang naging mag-isa nung nasa tiyan niya pa lang ako. I want to return her love for me.

Bigla namang tumulo ang luha ko habang inaalala ang lahat ng 'yun.


"I really admire you, Mama. You're so strong. And even if nobody's talking about you here because they said you were a curse, you will always be my hero. It's just sad that you're not here anymore."


Pinunasan ko ang luha ko pero tuluy-tuloy pa rin silang tumutulo.

Alam kong maswerte pa rin ako dahil kahit papaano ay nagkaroon ako ng magulang dahil sa mama ni Hiro pero gusto ko pa ring maranansan na makasama ang totoo kong nanay. I want to be with my mother. I badly want to see her.

Ang daming what-ifs ngayon sa isip ko. Ang dami kong gustong gawin kasama sina Mama at Papa pero alam kong hinding-hindi na 'yun mangyayari kahit ano pang gawin ko.


"Mama..."


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na ako. Sobrang sakit para sa akin na hindi man lang kami naging buo. Ni hindi man lang niya nakasama ang pamilya niya nang matagal. Kung ganito na kasakit para sa akin, hindi ko maimagine kung gaano kasakit ang naramdaman niya during those times. And what's worse is, ni hindi man lang siya in-acknowledge ng Council at ayaw nilang ilagay ang grave ni Mama kasama ng mga namatay na Senshins during the war. It's really painful and I'm sure ganito rin ang nararamdaman ni Papa lalo na't nakita niya pa mismo ang pagkamatay ni Mama.


"She died in his arms."


Nagulat naman ako nung may narinig akong boses at paglingon ko ay nakita ko si Hiro sa likuran ko. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo siya sa gilid ko. This guy, hindi ko na naman siya naramdaman. His movements are getting more and more silent these days.


"How did you know that?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at pareho kaming nakatingin sa puntod ni Mama. Nagkalat ang green roses sa paligid ng puntod niya at alam kong galing 'yun kay Papa at sa mga kaibigan niya.

"I don't know," he said and I saw the sadness in his eyes. "These past few months, I've been recollecting some unfamiliar memories."


Nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa akin at ngayon ko lang nakita ang expression na 'to mula sa kanya. He looks conflicted and burdened.

Hiro's been carrying a lot of burden, that I know, for sure. Before I came to this school, he's been the leader figure of the Atama family and in addition, he's carrying the name of the President since he's known as his son. He looks confident and tough but he's still young just like the rest of us. He's still human.

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon