Ipinakilala sa akin ng kapatid ko ang RPW he says na sa mundong iyon laro lang ang lahat, doon ka raw talaga maniniwala sa line na ‘pinagtagpo pero hindi itinadhana’ kasi sabi niya ang lahat nang nandoon ay pawang pansamantala lamang. Ita-try ko lang tutal wala naman sa aking mawawala, pati sa isang RP na lalaki ako ipinagpalit ng long-time girlfriend ko.
Nagpaturo ako sa kaniyang pumasok sa RPW madali lang naman pala 'yong step. Gagawa ka lang ng bagong account pero iba ang ilalagay mong pangalan at hindi mo mukha ang gagawin mong port.
Wala akong maisip na pangalan na babagay sa mundong iyon kaya pinalipas ko muna ng isang araw at doon nag-isip ng pangalan.
Unang pumasok sa isip ko ang Ace, kaya Ace ang inilagay ko para sa First Name, at Smith sana sa Last Name ang kaso sabi ni Kuya Louie marami na raw Smith sa RPW kaya pinalipas ko ulit ang panibagong isang araw para naman magisip ng apilyedo. Pinagsama ko ang Squad at ang paborito ng ex ko na k-pop band na EXO.
M I D S T A R C H A S E R
BINABASA MO ANG
Definition Of Love | BxB
Non-FictionHeartbreak, betrayal, and cheating, are normal when you entered Role Player World or rather known as RPW , 98% of teenager now that born in 21st Century are using social media and 96% of it are using role player account. Ace is a plain 19 years old...