25

53 1 0
                                    

Napatawa na lamang ako nang mahina sa nabasa. “Ano bang pumasok sa isip ko para aminin 'yong kakasimula pa lamang?” napatayo ako sa kama at lumabas na ng kwarto, iniwan kong nakabukas ang pinto dahil tinamad na akong isarado.

Sana maging ako na lang si Sean, maraming patay na patay sa kaniya at kasama na doon ang gusto ko. Hindi ko lang maintindihan dahil maraming babae naman ang naghahabol dito ngunit wala siyang pinipili.

Marahil hindi pa rin maka-move on sa past relationships niya. O kaya hindi pa siya handang mag-commit. Sabagay sino ba namang makaka-move on sa isang babae na mahigit limang taon mong kausap araw-araw tapos bigla na lang nawala na parang bula. Sabi ni Astrid hindi man lang daw nagpaalam 'yong babae kay Sean.

Kakahiwalay lang nila kasabay nila Kalix. So it's only 3 months?

Tatlong buwan pa lang? Siguro hindi pa humihilom ang sugat sa puso ng lalaki na 'yon kaya hindi pa siya nagpapapasok ng panibagong babae sa buhay niya. Ako nga magdadalwang taon pa lang kami ng ex ko noong iniwanan at pinagpalit niya sa ibang BRP. Pero bakit ganoon dalawang buwan lang ang nakaraan pero naka-move on na ako? Pero si Sean hanggang ngayon hindi pa rin. Well baka siguro panibagong tatlong buwan ulit ang kailangan niya para maging fully healed na ulit ang puso niya.

Pero kami ng ex ko palagi kaming nagkikita, naguusap, nagyayakapan pero sa kaunting panahon ay nakalimutan ko na agad siya pero sila Sean na sa internet lang nagkakilala tapos minsan lang magkaroon ng private time sa isa't isa dahil masyado raw busy si Sean dahil Founder ng Kuroko. Sikat na sikat daw kasi ang hood na iyon.

Bakit ko ba sila pinakiki-alamanan? 'Yong pagiging inggitero ko'y umiiral na naman. Ginulo ko ang kulay auburn kong buhok dahil sa inis.

“Oh nandyan ka na pala!, Tulungan mo ako dito kuhanin mo 'yong pako at martilyo. ” salubong sa akin ni Papa nang makita niyang nakatayo lamang ako sa kaniyang likod.

“Bihira ka na atang lumabas sa kwarto mo?” masungit na tanong ni Papa.

“Busy lang po.” natatawa kong sagot upang maging mababaw ang atmosphere sa aming dalwa at maputol na agad ang paguusap.

“Ahh okay.” We're not that close like the other family is. Kami ni Kuya ang malapit sa isa't isa. Maybe we are in the same shoes. He's not my biological brother and we're not blood related too pero mas komportable ako kay Kuya kaysa kay Papa.

Definition Of Love | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon