08

63 2 4
                                    

Habang naroon ako sa Hood napansin ko na mayroong alitan sa gitna ng mga babaeng Officers at sa mga babaeng members malamang sa malamang ay dahil kina Sean at Kalix.

May mga sariling fandom ang dalawa at palagi iyong nag-aaway. Habang 'yong tatlong officer na babae na sina Yanna, Pauline at Loiret ay umaawat hanggang sa pinapatulan na rin nila 'yong mga members, na dumadating sa punto na may mapipikon sa panta-trashtalk nila Loiret at Yanna na sinasabayan naman ni Pauline. Dahil doon ay mayroong magleleave na napikon dahil sa tatlo, 'yong ibang officer sini-seen na lang 'yong rambulan, siguro ay sanay na sila sa ugali noong tatlo maging 'yong mga dating member. Mayroong aawat na ibang bagong member ang kaso tata-trashtalkin din ng tatlo. Pati nandoon naman ang mga officers na lalaki para pumagitna.

Sabagay kahit ako rin naman, kahit hindi sa akin sinasabi 'yong mga words na binabato nila, mabasa ko lamang ay nakakapikon talaga, hindi na lamang ako nakikisali dahil bilin din ni Astrid.

So far si Astrid pa lang ang nakaka-interact ko, mayroon namang nagcha-chat sa akin bukod sa group chat ng Kuroko, sa Attendance ng Kuroko at kay Astrid ngunit hindi ko lamang ini-entertain. At so far ulit si Astrid at Entice pa lang ang nakikita kong matino. Si Sorcha kasi maloko.

Napansin ko din na sa tuwing sisingit si Finna sa mga usapan, nagpaparinig sila Yanna at Loiret tungkol sa mga plastik at papampam daw kuno. Mukhang may gusto si Finna kay Pawn ang kaso sila Pauline may gusto rin yata. Based on my observation pa nga lamang. Tahimik at hindi rin ako palalapag sa GC pero updated ako.

M I D S T A R C H A S E R

Definition Of Love | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon