23

49 1 3
                                    

I just stared blankly at the screen of my cellphone, reading those words from Astrid. Too hard to believe but I think I starting to like her.

I want to reply that ‘What if I don't want to?’

But my fingertips don't seems like what I want to do. So I just seen it. Umalis ako sa convo na 'yon at nakita sa GC na talagang kinukulit nila ako.

How can I explain to her that I was starting to like her and I don't want to stop those rumors, gusto ko pa nga itong kumalat. Am I selfish?

Natigil lang 'yon ng may pumasok sa madilim kong kwarto, gabi na pala hindi ko na namalayan kung hindi ko pa nakita ang kaunting siwang sa kurtina ng bintana.

“Hey, problem?” tanong ni Kuya Louie saka pinindot ang switch ng ilaw doon ay biglang lumiwanag ang buong kuwarto. Nakita ko ang mga librong hindi ko pa nababasang nakakalat lang sa sahig at mga scratch na nakabilot na at handa ng itapon sa trash bin.

“'Wag masyadong ibuhos sa RP ang oras mo boi!, Walang permanente diyan,” natatawa niyang saad saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.

“Tawag ka ni Papa, punta ka raw sa CR tulungan mong mag-repair ng shower hindi ako p'wede kasi may pupuntahan ako.” ani niya saka inagaw ang cellphone na kapit ko at binasa ang mga convo doon.

“Sino si Astrid?” takang tanong niya sa akin habang nagi-scroll marahil ng convo namin.

“Kuya anong gagawin ko? Aamin ba ako o huwag na lang?” wala sa wisyo kong tanong sa kaniya at napasandal sa border ng kama ko.

“Amin ka, ta's kwento mo sa'kin kapag ni-reject ka,” napatawa siya, “Ako ang magchachat para hindi ka na tulala, ayokong magkaroon ng kapatid na galing mental.” aniya saka nagtipa sa screen ng cellphone ko.

Now I know, I finally realized that I was done moving on with my long-term ex girlfriend.

“Aww,” bulong ni Kuya Louie kaya na-curious ako at napatayo upang makita kung anong chinat niya.

“Masyadong madali naman para magustuhan mo ako, Ace.” basa ko sa screen. Mukhang inamin ni Kuya. Napasalampak ako sa aking kama at napayakap sa beywang ni Kuya. Tama. Masiyado ngang mabilis. Pero ano nga bang magagawa ko. I just woke up and realize that I like her.

“Okay lang 'yan boi, parte talaga ng love ang rejection. Kung ako sa'yo hanap na lang ulit ako ng bagong crush.” payo niya saka ginulo ang buhok ko.

Tiningnan ko lang siya ng masama dahil napansin ko itong nagpipigil ng tawa. Mukhang masaya siya na ni-reject ako.

Inagaw ko ang selpon ko sa kamay niya at binasa ang mga convo nila Kuya.

Definition Of Love | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon