33

34 0 0
                                    

Dumaan ang ilang araw at huling gabi na ngayon para sa selebrasyon. It's time for Sean's activity. Siguradong maraming naghihintay ng activity ngayon. Paano ba naman si Sean ang maghahandle.

Mahigit tatlong araw na nang huli kong makausap si Astrid. Paano ba naman officer siya kaya masiyado silang busy, umaga pa lamang ay puno na ang news feed ko ng puro tungkol sa Kuroko. Kahit hindi member sa Hood ay maaaring lumahok sa mga laro. Sobrang sikat ng Hood maging ang mga officer ay sikat din kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit uhaw na uhaw ang iba sa mga atensyon nila.

May Fandom na nga si Sean. Ngayon ay kay Sean pa lang na fandom ang nakikita ko dahil may biglaang nag-add sa akin doon. Sumali ako upang makasagap naman ako ng balita tungkol sa taong kinaiinggitan ko dahil siya ang gusto ng gusto ko.

Pinasasali nga ako ni Kuya Louie kasi masaya raw 'yon pati ang mga officer rin ay pinipilit din ako ngunit nakakahiya, hinahayaan ko na lamang sila sa dami ba naman ng mga nakikilaro ay hindi na nila ako mapapansin kung sasali man ba ako o hindi.

Kumakain ako ng chips sa madilim na kuwarto ko nang may biglang mag-pop up sa screen ng aking selpon. Sinilip ko iyon at puro mga auto-ment lang. Kanina pa nila ginagamit ang auto-ment na pinagsisisihan ko naman dahil napabilang pa ako.

"Sabing sumali ka na kasi. " ani ng aking katabi. Ngayong gabi ay siya ang katabi kong matulog dahil bilin din nila Tita Margaret— Mama niya na stepmom ko naman.

Binato ko siya ng unan dahil sa pagiging pakialamero. Ngunit tinawanan naman niya.

"Matulog ka na nga lang!" usal ko. Ngunit bumalik lamang ang aking kausap sa panonood ng kaniyang laptop na parang walang naririnig galing sa akin.

Hanggang sa magaalas-nuebe na ng gabi ay patuloy pa rin sa pagba-vibrate ang selpon ko kaya inis ko iyong binuksan, mga auto-ment na naman. Inislide ko ang aking daliri sa screen pababa doon at nagtatakang tiningnan ang mga notifications na puro pangalan ko sa RP ang nakikita. Mukhang hindi na ito auto-ment dahil sila na mismo ang nagmemention sa akin lalo na ang mga officer.

Kitang-kita ko ang mga pangalan nila na nagkalat sa notification ko. Wala akong nagawa kung hindi buklatin ang isa doon at napapunta sa GP ng Kuroko at sa post ni Sean.

• • •

(●)Sean Trevor Luxeous
14m

Pleasent evening for everyone we are blissful to have you with us celebrating the 3rd Anniversary of this Hood and thereby we prepared some activities that we all must cooperate. Enjoy this last day and Happy 3rd Anniversary to us.

TITLE OF GAME: Shipping Booth

Mention two people you want to ship. Ang may pinakamaraming react sa comment, 'yong ship niya ang panalo. Understand?

As a consequence for the two mentioned names of the shipper. They will set their RS as a (In a relationship) for a week. Is it fun?

34.01B | 100B | 115k

Loading comments....

(●)Kairo Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Shipping Booth

Sean Trevor Luxeous × Ace Squadexo

12m|19M | 26M

(●)Lee *****

Shipping Booth

Sean Trevor Luxeous × Ace Squadexo

#AcTre lang sakalam(ノ`Д´)ノ彡┻━┻

12m | 27M | 23k

(●)Entice Ash Kardashian

Shipping Booth

Sean Trevor Luxeous × Ace Squadexo

Comeback Booth

Astrid Kim Kardashian × Kalix Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

11m | 23.02M | 34k

(●)Yanna Smith

Entice Ash Kardashian ang sabi shipping booth hindi comeback booth ಥ_ಥ

4m | 18k | 98M

(●)Yanna Smith

Shipping Booth

Sean Trevor Luxeous × Ace Squadexo

Oh auto delete ng mga comment kapag hindi #AcTre ha

3m | 45M | 27M

(●)Lee *****

Yanna Smith batas ka?

1m | 13k | 67M

• • •

Mukhang kami na naman ni Sean ang napagtripan na parang kanina lamang. Maloko talaga sila Yanna. Paano ba naman kaya hindi na ako sumali dahil din sa kaniya, kung ngayon ay sa Shipping Booth kanina naman ay sa Wedding Booth. Kami na naman ni Sean ang napagkatuwaaan nila kami rin tuloy kanina ang ikinasal, habang si Sorcha ang nagpresentang Father at sila Lee naman daw ang mga gamit sa pangkasal.

“Boy, bakla ka? Ba't ayaw mo. RS lang naman. ” inosenteng tanong sa akin ni Kuya Louie.

“Nakakabawas pogi ang pakikipag-RS sa kapwa lalaki. ” balik ko sa kaniya habang nasa cellphone nakatutok ang aking paningin. Bigla niyang tinabunan ang katawan niya gamit ang kumot ko na ipinagtaka ko naman ng sobra dahilan para kumunot ang noo ko, dahil doom ay napagawi tuloy ang tingin ko sa kaniya.

“Boi bakla ka nga? ”

“Abno, kung magiging bakla man ako hinding-hindi ako papatol sa'yo. ” Saka siya binato ng balat ng pagkain.

“Mabuti na 'yong sigurado. ” wika niya saka tumawa. Binigyan ko ng mahinang suntok ang braso niya dahil doon.

Definition Of Love | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon