2: Half-Blood

21 4 0
                                    

KALIANNA HAYES

Being scared is a rare feeling for me, aside from love and happiness. Sa loob ng 502 years kong pamumuhay sa Underworld, dalawang beses lamang ako nakaramdam ng takot. Una ay noong bata pa ako at nasira ang seals na nagkukulong sa buong kapangyarihan ko, at pangalawa noong nalaman ko na ipapatapon ako sa mundo ng mga mortal dahil sa krimen na hindi ko naman ginawa, at hindi man lang ako pinrotektahan katulad ng pangako saakin ng tinuring kong kaibigan.

Apparently, being scared is also a fragile thing for mortals, and can cause a major sickness.

For the fifth time ever since I woke up, muli akong umubo nang malakas na nagtataka na ako kung bakit hindi nililipad ang fragile kong mortal na katawan.

I was awake the whole night overthinking and beyond...scared of what might happen to my mortal life. Ang tanging hinihiling ko lang naman ay mamuhay ng tahimik bilang isang mortal, ngunit may high rank demon naman na biglang sumulpot at may posibilidad na nakita ang mukha ko habang ginagawa niya ang...gusto niyang gawin.

And he was even looking at me last night while I was walking home. I can feel his menacing stare.

Muli akong umubo, at sa pagkakataon na ito ay halos ilang segundo rin bago ito matapos na ramdam ko na ang hirap ko sa paghinga.

Mukhang hindi ako makakapasok ngayong araw.

Tiningnan ko ang orasan. 30 minutes bago magsimula ang klase at nandito pa rin ako sa higaan ko. Kinuha ko ang cellphone ko-another famous thing for mortals, which apparently you can communicate others through it. It took me months to master it-at nagsimulang magtipa.

To: Chantria
Sick. Can't go today.

Ibinaba ko na ang cellphone ko ng hindi tinitingnan ang reply niya. Kahit ang simpleng pagtitig sa cellphone ko ay mas lalong sumasakit ang ulo ko.

Bumangon na ako at dumiretso sa kusina. Pagkalabas ko pa lang ng kwarto ay agad na akong nagtaka dahil wala si Daemon na madalas na sinasalubong ako. Kagabi pa nawawala ang pusang iyon. Kadalasan naman talaga ay kusa itong lumalabas ng apartment, ngunit bumabalik naman ito kaagad sa umaga.

My brows furrowed a little, but I decided to ignore it for a while. Marahil ay nasa labas pa ito at babalik na rin. Medyo may pag-kalandi rin kasi ang pusang iyon.

Bumuntong hininga ako bago kumuha ng Mang Juan sa ref at umupo sa upuan. I debated in opening the TV or going back to my room to rest, but in the end I decided that a little entertainment will not be that bad to my fragile mortal body for a while, right?

Binuksan ko na ang TV at una agad na tumambad saakin ang balita.

"Dalawang estudyante naman di umano ng Ivy Hills University ang-"

Agad kong iniba ang channel. Why is it that there is only news about murder this past few days? Wala na ba silang ibang maibalita?

"Sila ay nakitaan rin ng parehong sugat na natamo ng mga estudyante ng Watson High at Agreste Academy-"

Where's my Spongebob? Ano nga ulit ang channel no'n?

"A Highschool massacre. Sinasabi rin ng mga pulis na maaaring iisa lamang ang gumawa nito-"

Bakit kahit saang channel ako magpunta ay pare-pareho lamang ang binabalita?

Chaos WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon