097

8.1K 289 281
                                    

Narration (Part I of III)

Sabrielle.

"Kumpleto na ba 'yung mga gamit?"

Tipid na tango lang ang iginawad ko kay ate habang inaayos sa likod ng taxi 'yung mga maleta namin. Ang dami talaga! Partida dalawa lang 'yung akin dito tapos kay Ate, apat! Daig pa ang mag-mi-migrate sa ibang bansa tapos ako 'tong sasabihan niyang maarte. Hindi na lang ako mag-ta-talk talaga dahil baka masakal niya ako ngayon.

Alas tres pa naman ng umaga.

Wala pa kaming tulog pareho.

Delikado baka matakot 'yung driver ng taxi akalain nagpapatayan na kami.

"Sab! Sakay na! Baka mahuli tayo sa flight!"

"Oo na! Grabe! Teka lang, maiipit 'yung kamay ko!" sigaw ko bago isinara na 'yung compartment. Grabe talaga ang mga Pinoy! Akalain mong 'yung flight namin 8:30 pa naman. Anak ng tokwa lang 'tong si Ate at 3:05 pa lang naman ng umaga! Sobrang weird!

Pumasok na ako sa tabi niya sa likuran ng taxi. Gustong-gusto ko na talagang hubarin 'yung face mask na suot ko dahil nasisira 'yung makeup ko, pero hindi bale kasi kahapon talaga 9 na lang 'yung cases kaya feeling ko malapit na ring mag-alis ng face mask. Mag-pi-picture pa naman sana ako mamaya sa airport ng OOTD para ipagmayabang kina Yarisse—paano sinasabihan nila akong walang taste sa fashion! Like, excuse me lang, 'no! Kahit sako pa 'yan ng bigas, kaya ko 'yang i-rampa sa daan! Nakakaloka sila!

Pagkatabi na pagkatabi ko kay Ate sa loob, nakatulog na kaagad siya sa balikat ko. Hinayaan ko na lang kaysa bungangaan niya ako rito—nakakahiya pa naman sa driver.

Super haba pa yata ng biyahe kasi maging si manong bumuntong-hininga noong sinabi ni Ate kanina na sa NAIA 3 raw kami. Kaya inilabas ko na lang 'yung cellphone ko at binuksan 'yung Instagram ko kasi hindi ko nagawa kahapon kaka-cram mag-impake. Binati ko ng congratulations lahat ng mga ka-block at ka-orgs ko na nag-post ng story na with honors maging 'yung ibang hindi this Grade 11. Grabe, super hindi biro 'yung pinagdaanan namin! Kudos talaga.

Noong una, mahirap talaga sigurong tanggapin na hindi ako honor. Alam mo 'yun... noong nakita ko talaga sa report card ko 'yung 88 kong grade sa PreCal tapos 89 'yung cut-off for Honors, grabe talaga iniyak ko. Isa na lang, hindi pa sumabit! Hindi ko alam kung may galit ba sa akin 'yung prof namin o ano e' kasi sinubukan ko namang humingi ng consideration—baka pwedeng mag-special project ako gano'n—kaso wala na raw.

Kaya ayu'n. No choice talaga siguro kun'di tanggapin. Okay lang din kasi na-realize ko ngayon na hindi naman pala titigil 'yung mundo ko kung hindi ako ma-ho-honor. Hindi naman pala bababa tingin sa akin ng mga kaibigan ko. Hindi rin naman pala ako ikakahiya ni Ate.

Wala namang nagbago.

Hindi naman ako naging bobo.

Kaya ipinangako ko talaga sa sarili ko no'n na kahit ano'ng makukuha ko, tatanggapin ko. Magiging masaya ako kasi pinaghirapan ko 'yun.

Napatigil ako sa pag-tap sa mga Instagram Stories nang mahinto ako sa Story ni Hunter na ni-repost 'yung post ni Jett. Saglit akong napa-singhap, akmang i-co-close ko na sana nang mapansin kong... parang sa NAIA 'yung picture ni Jett.

Sheteng 'yan.

Kaagad kong pinatay ang cellphone ko. Hindi naman siguro kami magkikita niya'n doon! Malamang Japan 'yung punta niya'n para mag-racing ulit sila ng Kuya Jaice niya! Marami namang Terminal sa NAIA! Napaka-liit na ng mundo kung magkita pa kami roon. Diyos ko. Parang timang lang!

Kinuha ko 'yung neck-pillow sa binti ni Ate at matutulog na sana ako talaga... kaso sunod-sunod na tumunog 'yung cellphone ko.

Pati si manong napalingon.

Midnight Kisses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon