022

6.9K 297 237
                                    

TWITTER

HOME

sabrielle 🍉 @sabmontiega • 30m
beh... paano naman kita makakalimutan kung ganyan ang story mo 😣 pipindutin ko na yung unfollow tapos hihirit ka ng ganyan??? FOUL OY
3 replies | retweet | 27 likes

    C.🌜 @helenacassidy • 20m
— Replying to @sabmontiega
     excuse lang ha 😾 pasintabi siguro sa mga single???

    sabrielle 🍉 @sabmontiega • 9m
— Replying to @helenacassidy and @sabmontiega
     HOY SHHSHDHS FEEL MO NAMAN JOWA KO NA 😣😣😣 oo nga finifeel ko rin 😝 #ilusyon!!!

    yarisse 🎀 @alyannadeguia • 10m
— Replying to @sabmontiega
     okay na sige na ikaw na mare ikaw na ang pinagpalang babae sa lahat ng babae na nakakakita niyan OO NA IKAW NA TATABI NA KAMI

     Kendra @kendramontiega • 9m
— Replying to @sabmontiega
     @claidemontiega tignan mo nga naman ang kapatid mo oh

     sabrielle 🍉 @sabmontiega • 9m
— Replying to @kendramontiega,@claidemontiega, and @sabmontiega
     HALA HUY WAG NYO KO SUSUMBONG KAY MAMA WALA AKONG JOWA PROMISE

━━━━━━━━━

MESSENGER

TGG 💃🏻 (The Gaga Girlies)
Active Now •

8:05 PM

Sab

beh hindi ko siya kayang pakawalan

paano na yung matatamis naming sandali

paano na yung mga kahapon naming kay ganda

paano na yung alaala naming kay tamis

😣 my honeybunch!!! no!!! 💔💔💔💔

may aaminin ako guys

mahal ko pa rin ang aking sweetie pie..... 😟😔😣😢😖😭💔💔‼️‼️

Yarisse

teh ilang pack nahithit mo

Cass

sino ba yan alyanna hindi ko yan kilala

Yarisse

naligaw yata sa gc natin di ba tayo lang namang dalawa magtropa?

Sab

GRABE KAYO SAKIN!!!

hindi niyo ba alam kung gaano kasakit 'to.... hindi ko kayang pakawalan ang aking mr dream boy... oh, mr dream boy...

my baby boy...

ang dami kong pinagdaanan para maibigay sa kanya ang lahat.... ang aking buhay....

Yarisse

bakla TUNOG NANAY KA NA

IKAW BA NAGLUWAL SAKANYA HAHSHSJDHSJDHHSJDHSHXHSJHSAHAHSHAHS

Midnight Kisses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon