098

7.7K 346 316
                                    

Chapter Theme:
Nothing — Bruno Major

Narration (Part II of III)

Sabrielle.

Nakatulala lang ako habang nakasunod kay Jett palabas ng convenience store. Patago ko pang kinukurot 'yung palad ko... kasi hindi talaga ako makapaniwala. Sa lahat ba naman ng tao! Bakit siya mapapadpad dito sa Atlanta?! Imposible namang sinundan niya ako! Grabe, tapos ito pang si Kuya parang siraulo—talagang iniwan niya lang ako kay Jett!

"Uh. Jett," tawag ko bago siya lapitan sa harapan ng sportscar... na dala niya. Diyos kong mahabagin, ang ganda. Sa magazine at TV lang ako nakakakita ng ganito noon—ngayon kaharap ko na! Saglit kong iniling ang ulo ko para makabalik sa realidad at tinignan siya. "Hindi ko alam... hindi ko talaga alam kung ano'ng sinabi ni Kuya sa'yo at biglang—"

Tumigil ako.

Napalunok ako saka hinilamos ang palad ko sa mukha ko. Nakaka-stress kasi nakatitig siya sa akin! At tama nga sina Yarisse. Walang'ya ang gwapo!

Pero, hindi. Hindi, Sabrielle. Kumalma ka. Moved-on ka na!

"Hmm?" sabi niya pa sa akin habang nakatitig pa rin.

"Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga sinabi sa'yo," I said, trying to compose myself again. "Pero kung ano man 'yon, pwede naman akong umuwi mag-isa. Like, literal na kaya ko namang maglakad dito... Walang kidnapper at snatcher, saka kabisado ko naman 'to. Nakakahiya kasi nakaabala pa sa'yo—baka mamamasyal kayo bukas—"

"No. It's okay. I'm really here because of you." He was stifling a laugh.

"H-Ha?"

Jett shook his head and chuckled. "Nothing, Sab," natatawang sabi niya na lamang bago naglakad patungo sa shotgun seat kaya sumunod ako. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Come here. Hop in."

Bumuntong-hininga na lamang ako't sumunod. Pinanood ko siyang... umikot papunta sa driver's seat at pumasok doon. Hanggang sa pindutin niya 'yung kung ano-ano mang mga buttons sa dashboard tapos nag-play 'yung Nothing ni Bruno Major at nakita kong pinindot niya pala 'yung playlist niya pa last month.

"'Di ba may playlist ka na for June?" It just came out of my mouth.

"Oh." Napalingon siya sa akin, looking amused by what I said. "You know?"

Nanlaki ang mata ko't napaayos sa upuan ko. Uminit bigla 'yung mukha ko kahit na ang lamig naman nu'ng aircon! "H-Hindi, ah! Paano ko naman malalaman?"

"Okay." I just heard him let out a soft chuckle before finally driving.

Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa labas. Sobrang... parang nananaginip talaga ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong maloka na katabi ko si Jett at nasa Atlanta talaga siya! O dapat akong maloka na mukhang lagot ako nito kay Ate kapag nalaman niyang tumakas kami ni Kuya ng alas dose ng madaling araw.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"

"No. The hotel we're staying in is just near, and Kuya Jaice sent me here. Your brother... happens to be his friend," he said. "Kuya knows someone who fixes cars."

"Ah." Tumango ako. "E' kayo? Bakit kayo napadpad dito sa Atlanta?"

He looked at me for a second. Kita ko kung paano siya lumunok saglit. "I choose not to answer that question."

"Ay, sige sorry," natatawa kong sagot. "Baka private."

I saw him lightly shake his head. "Hindi naman. It's just Kuya Jaice and Ate Claudia's birthday next week."

Midnight Kisses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon