Vengeance 2

938 24 0
                                    

Vengeance 2

"W-ow" pigil hininga kong sabi habang nag uumpisa ng magsitulo ang mga luha ko sa pisngi ko "Na-k-a-ka-istorbo ata ako sa inyo! Sige b-ye!"

"TH-ALIAH!" sigaw ni Noreign sa akin habang pilit na hinahabol ako...

Binilisan ko na lang ang takbo ko.. Wala akong nakita.. Wala

"Liyah! Saglit lang! Let me explain please!" sigaw ni Noreign habang pilit akong hinahabol..

Tumakbo lang ako ng tumakbo at hindi ko pinansin yung pag tawag niya. Ano ba kasing maling nagawa ko sa kanila? Nag mahal lang naman ako.. pero bakit ganito? Akala ko kaya ko na mag bulag bulagan sa mga nangyayare pero hindi pala.. Kahit anong pilit kong sabihing manhid na ako hindi ko pa rin matatago yung fact na tao lang din ako nasasaktan

Bigla naman may humawak sa braso ko.. Pilit ko namang niyuyuko yung ulo ko habang pinupunasan yung mga luhang tumutulo sa pisngi ko..

"Liyah, please let me explain" nag mamakaawang sabi sa akin ni Noreign.

"Ang al-in? Wag kang mag alala, wala naman akong naki-ta" sagot ko habang pilit na ngumingiti.

"Liyah believe me, I didn't initiate the ki--"

"Okey, I believe you.. Sige I have to go" mabilis kong sagot sa kaniya habang pilit na inaalis yung kamay niya na nakahawak sa braso ko at tinuloy ko na ang pag lalakad ko "I trust you Noreign please don't do those shitness you always do to others" I told her enough for the both of us to hear.

Bigla naman akong napabalikwas. Wow lang dre kailangan talaga laging napapaniginipan yung flashback? Sinumulan ko namang tumayo na sa higaan ko at sumilip sa bintana ko..

Ang tagal na din simula noong araw na yon.. mga araw na pilit kong kinalilimutan pero pilit naman akong binabalikan.. mga ala alang pilit kong ibinabaon kasama ng paglimot ko sa dating ako.

Siguro nga kahit anong pilit kong kalimutan lahat ng nangyari sa akin hindi mangyayare yon.. You can never run away from your past.

Napapaisip tuloy ako kung itutuloy ko pa.. pero sinaktan din nila ako.. Ilang beses nga ba akong nagpakatanga at nag paabuso? Samantalang puro sakit lang naman ang sinukli nila sa akin.. Bigla ko namang naramdaman ang pagkirot ng puso ko.. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo ko lang narerealize kung gaano akong nasaktan ng mga taong minahal ko ng higit pa sa limitasyon na kaya at dapat ibigay ng isang tao. Siguro nga this time sarili ko naman ang dapat kong isipin.

Mahigpit kong tinitigan yung phone ko at inumpisahan ng hanapin sa phonebook ko yung taong alam kong matutulungan ako sa balak ko ngayon..

"Hello ate Ice? Can I ask you a favor?" I told to the other line while releasing one deep sigh.

Wala ng atrasan.

-------

Sweet VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon