;Sixteen

1.5K 37 12
                                    


our last late update <3

»»--›16‹--««


Alexa

Ang sakit. Parang may kung anong sinasaksak sa akin para tuluyang dumugo ang flower ko- you know.

Napapikit na lang ako at ininda. Alam kong bakas sa aking mukha ang sakit kasi masakit talaga sya!

Gustong-gusto ko talagang magmura kasi nga SOBRANG SAKIT. Isa talaga 'to sa dahilan kung bakit minsan naiisip ko na ayokong maging babae. Bakit ako lang dapat yung masaktan?! Bakit babae lang?! Huhu.

"This is the third time." malamig na saad ni Calvin na para bang konting-konti na lang mapuputol na ang pisi ng kanyang pasensya.

CAAAALLLVVVIIINNNN! Gusto ko na talaga syang sisihin eh kahit wala syang kasalanan. Sa akin 'to eh pero shucks naman. MASAKIT NGAAAA!

Alam kong nakakapit sya sa kumot. Please lang, Calvin. Nakikiusap ako, 'WAG MONG TATANGGALIN! Kaya kong tiisin ang sakit, pero 'wag mo munang tatanggalin. Anong gagawin ko sa kanya 'pag tinanggal nya? Hiwalayan ko kaya? Baka maging famous ako, magiging headline ito sa balita. 'Wife, hiniwalayan ang asawa matapos ang kasal!'

"Don't you dare pull it off, Calvin! Sasakalin talaga kita!" banta ko habang iniinda pa rin ang sakit.

"Fvck! Then GET UP ALREADY! This is the third time telling you! What is wrong with you?!" Hayan, galit na sya. Huhu.

KASALANAN KO BANG MASAKIT PUSON KO?!

Kasalukuyan akong nakatalukbong sa kumot dahil ayokong makita ako ni Calvin na ganito. It's our first day in Paris, pero sisirain ko na agad?

"And are you groaning? Why aren't you telling me anything?!" MASAKIT NGA KASI!

"L-Lumabas ka na nga kasi muna."

Masakit. Masakit. Masakit. Parusa ba 'to sa amin kasi kinagat ni Inang Eva ang mansanas? Bakit naman kasi kinagat?! Bakit hindi na lang yung ahas Inang?! Huhu. Ayoko na. Masakit na talaga.

"NO, until you tell me what's wrong." Sheez ka talaga Calvinnnn! Gigil mo si ako!

"LABAS NA NGA KASI CALVIN!" sigaw ko pero hindi ako galit ah. Nanggigil lang. Stubborn Calvin.

"No." Nakakaiyak ang tigas ng ulo ni Calvin.

"Eh di don't." bulong ko. Sheez naman kasi eh. Attitude? Charot.

Bahala sya dyan. Ayaw akong bigyan ng privacy, isusumbong ko sya kina Tita. Ano na bang oras?

"Alexa." Wala ng hon. Pagpapanggap lang ang lahat. The endearment. The sweetness. Wala na. Calvin paasa, char.

Lumilitaw na naman mga kabaliwan ko, lumilitaw lang sila kapag meron ako. Hindi ko makontrol emosyon ko tulad ngayon. Mas OA din ako, sabi ni Dia. Madaling umiksi ang pasensya. Basta mga ganon. And unfortunately, sa honeym- vacation pa namin. Sheez naman oh.

"Bahala ka dyan." Gusto kong maiyak sa pagdaloy ng ano, oemji talaga. Calvinnn! Ang bedsheetttt! Puting-puti pa naman 'to.

HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT ANG NARARAMDAMAN KO! HINDI MO ALAM! Kaya lumabas kanaaa~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Cold And Possessive Mafia Boss [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon