;Two

3K 85 6
                                    


✿✿✿

»»——›2‹——««


Alexandra

Pagkatapos ng eksenang yon umalis na yung mga lalaki at si manager! Heto pinupunasan yung sugat nya sa labi, actually 24 y/o pa lang sya ang bata pa nya noh, sya pala si Manager Edward Lewort...

"Nakakapagtaka yung lalaking yun manager noh bakit ka nya sinuntok? At binawalan ka pa nyang lumapit sakin!' tanong ko kay manager.

Talaga naman eh! Nakakapagtaka talaga eh! Suntukin ba naman eh wala namang ginagawa sa kanya yung tao!

"Hindi ko rin alam eh! " sagot nya.

"Pero ok lang yan manager alam kong malakas ka kaya pagaling kana lang hahhaha!" sabi ko pa.

Kaylangan bolahin si si sir! Baka ako pa masisi sa nangyari eh!

"Hahahhha oo na! umuwi kana at bukas na lang uli baka hinahanap kana ng mga magulang mo." saad nya.

"Sige po manager! Alis na ako!" pagpapaalam ko at saka lumabas na ako ng resto, madilim na sa labas 8:40 na kasi at gabi rin at malapit na magsarado ang resto 9:45 kasi toh magsasarado.

Ilang minuto na akong naghihintay ng taxi pero wala ng dumadaan, tinignan ko ang relo ko at 10:27 na sarado na rin kasi yung restau, siguro lalakarin ko na lang pero anong oras ako makakauwi?

Habang nag iisip ako kung paano makakauwi biglang may kotseng huminto sa harap ko at may lumabas na lalaki, wait k-kilala ko tong lalaking toh! Ahh sya yung sumuntok kay manager pero ba't sya nandito?!

"Get in." utos nya habang nakasandal sya sa kotse nya, wait sinong sinasabihan nya? Luminga linga ako wala namang ibang tao dito maliban samin.

"Sino hong sinasabihan nyo?" tanong ko.

"Who else is another person here? It's just you and me. So 'YOU' are what I'm referring to." sagot nya at pinagdiinan pa talaga ang salitang You at ano daw get in eh hindi ko nga sya kilala?

"No thanks maglalakad na lang ako." sagot ko.

Mas gugustuhin ko pang maglakad kesa makisabay sa taong hindi ko kilala. Hindi ba? Baka may gawin pang masama sa akin to eh! Pero... sa gwapong nyang yun? 'Di nga? Aish! Erase erase!

"It's already midnight, it's dangerous for you to walk home." sagot nya.

Ano ba yan nosebleed na ko sa kaka english nya! Wala kong pake kung gabi na basta ako maglalakad la------

"Waaaaaahhhhhh!!! Ibaba mo kooooo! Ano ba?! Hindi ako sasama sayooooo! Hindi kita kilalaaaaa!" sigaw ko habang hinahampas ko ang likod nya, pano ba yan bigla akong binuhat na parang sako! Sabi ko na nga ba! Sa likod ng gwapong nyang pagmumukha, kidnapper ang pvtek! Arghhh!

That Cold And Possessive Mafia Boss [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon