;Eight

2.1K 61 4
                                    

»»——›8‹——««


Alexandra


"WAAAAAAAHHHH!"

"Dmn. Let me sleep." At muli syang pumikit, mas humigpit pa 'ata ang brasong nasa bewang ko at nagsumiksik pa sya sa may leeg ko. Para akong nastiff dahil sa bumungad sa'kin.

B-BAKIT?! I mean PAANO?!

He's half naked for heaven's sake! Mapapa-sheez malagkit ka talaga eh!

Pagkagising ko may braso sa may bewang ko then... kilala nyo naman kung kanino, 'di ba? Paano sya nakapasok? Nilock ko kagab-- Yung pagbukas ng pinto! Hindi ba yun sa kabilang kwarto?

Kaya nga ako natulog dito kasi gusto ko mag-isa. Hindi pa ako sanay na may katabi tapos....

"Morning." biglang bati nya. Ilang minuto ba ako hindi gumalaw para lang makatulog pa sya? Ramdam ko ang init ng braso't katawan n'ya. Sheez! Ang init na yata pati pisngi ko.

"M-Morning." Balik na bati ko. Saglit n'ya akong tinitigan kaya napalunok naman ako. Bumangon sya saka nag-unat. Sheez na katawan yan! Ang sexy-- Erase erase!

"P-paano ka nakapasok?" Lumingon s'ya sa akin at umangat ang gilid ng labi. Huwag kang titingin pababa, sa mukha lang Alexa!

"Doors, honey." Parang mas lalong uminit naman ang pisngi ko dahil sa tawag nya.

"Ni-lock ko yan kagabi!"

"Tsk. How can the closed doors open?" Saka s'ya naglakad patungong banyo.

Napahinga naman ako ng malalim. Napaisip pa ako sa tanong n'ya. Syempre kung kaya n'yang sirain kaso wala namang sira yung pinto o kaya may susi-- Yah! May duplicate key s'ya?!

Aish. Ba't ko ba nakalimutang s'ya ang may-ari ng bahay? Don't worry, hihiramin ko yun kay manang para sure na hindi na sya makakapasok mamayang gabi. Hihihi Hindi pa naman kami kasal para magtabi, 'di ba? We need to find ways~

Agad kong umalis sa higaan at inayos ito bago tumakbo patungo sa kwarto daw namin para mag-ayos.

-~

"Where's your room, big sis? Can we share?" English ng english ang kapatid kong 'to. Myghad.

Kaharap ko lang s'ya, he's wearing simple white shirt na may nakasulat na 'More handsome than your boyfriend.' at black short na hanggang tuhod. Ang cute n'ya~

Habang nasa tabi naman ako ni Calvin, just a blue longsleeve at-- basta yung pang-business attire pero wala pang necktie and coat. Sa akin? Wag na. Nasa dulo ng mesa si Calvin habang nasa mag kabilang gilid n'ya kami. Gets?

Nasa dining room kami ngayon at nag-aalmusal. Hindi ko nga ini-expect na sobrang aga n'ya eh. Pagkababa ko kanina nasa living room na s'ya. Mukhang hindi pa nga s'ya nag-aalmusal eh. Excited much?

"My room?" Naku. Problema 'to. Kung alam lang n'ya.

"Yes! Can we share? I really want to sleep with you, big sis." Gano'n n'ya ko ka-miss? Aww. Sabagay... Kaso...

"Your old enough to sleep alone, Xian."

"What's wrong? I just want to sleep with my big sis, Kuya."

"Tsk. You can't." Hindi n'ya naman papaalisin si Xian dahil lang sa kagustuhan nito, 'di ba?

"Don't tell me..?" Nagtatanong ang mga mata nito. Titingin sa akin pagkatapos kay Calvin. Paulit ulit.

That Cold And Possessive Mafia Boss [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon