;Thirteen

1.6K 67 13
                                    


(๑ت๑)ノ

»»——›13‹——««


Alexandra

Hindi pa rin matanggal ang kaba ko pero mabuti na lang 'andito si Calvin.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit... bakit konti lang ang nakamayan ko habang s'ya halos lahat na ng panauhin? Apat? Lima? Sa konti hindi ko na matandaan pero lahat sila babae!

Nanlalamig pa rin ba ang mga kamay ko kaya ayaw n'ya akong makipagkamay? Hindi pa rin ba nawawala ang kaba ko? Aish.

"You tired?"

"Ha?" Nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Calvin.

"Maupo na muna tayo, you look tired. Let's go." Mas mahaba kasi ang oras na kakawelcome sa bisita kesa sa upo namin kanina. Ako yung nagsabi nun eh.

Naupo kami kung nasaan ang mesa nina Raph. Katabi lang nun ang mesa nina Tita pero may bisita silang kasalo, mukhang bigatin.

"Sit here." Ipinanghila pa ako ni Calvin ng upuan kaya hindi na ako nakatanggi at naupo na. Naupo naman s'ya sa katabi kong upuan.

"Update?" Sigurado akong hindi para sa akin ang tanong ni Calvin. Uminom s'ya ng wine na nasa glass nya.

Update?

"Wala Boss. Masyadong nakakapagtaka ang katahimikan nila sa mga nakaraang linggo." sagot ni Raph na kaharap lang n'ya, katabi naman n'ya si Dia na katabi ko lang din. Abot tenga ang ngiti n'ya. Bakit? Nakuha n'yang kapartner si Raph.

"Mukhang may pasabog sila, Boss." sagot ni Red na katabi ni Calvin. Partner n'ya? Guess who? Si Kiena lang naman. She's like a innocent angel, lalo na sa suot n'yang simpleng puting dress. Hindi ko nga alam kung paano napapayag ni Red si Kiena eh. Baka binlackmail?

"Welcome them, then." tanging sagot ni Calvin. Welcome? May padating pa bang bisita?

"Sure, Boss."

May bisita pa nga sigurong padating. Ibig sabihin matagal pang matapos ang event? Napabuntong hininga na lang ako.

"What's with the sigh?" Sheez. Narinig pa ata ni Calvin.

"Wala naman." tanging sagot ko, ngumiti pa ako para mas kumbinsido.

"Tell me." Pinisl pa n'ya ang kamay ko. Makulit din ang isang 'to.

"May bisita pa bang darating?"

"We're not sure. Don't worry about it, they can handle it." Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Makakapagpahinga rin. Parang ako pa yung pagod na pagod eh ang konti nga lang ng nakamayan ko? Kakangiti sa mga panauhin, nakakapagod. Mabuti si Calvin, seryoso lang.

"Nasaan pala sila Erza? Pati si Ian?" Tanong ko. Lagi na lang silang missing in action. Nakakapagtaka.

"Si Erza hindi mahilig sa ganitong event pero nandiyan lang yun, nagmamasid. Si Ian naman nandiyan lang din yun, baka nambabae."

"Ginaya mo pa s'ya sayo." Ngumiti lang s'ya na para bang nagtitimpi. Natawa na lang ako sa kanya. Close naman kami n'yan, pikunin lang talaga.

That Cold And Possessive Mafia Boss [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon