;Nine

1.7K 69 4
                                    


»»——›9‹——««


Alexandra

"Ayieee! Blooming na naman s'ya..." pang-aasar na naman ULIT ni Dia.

Yah! Ulit! It's been a days– no! A week! Nang maikwento ko yung nangyari sa gabing yun pero heto pa rin s'ya at hindi maka move on.

"Ano na?! May nangyari na baaaaa?"

"Anong nangyari ang sinasabi mo dyan?!"
Ngumuso naman s'ya na parang ewan.

"Yung gano'n! Painosente ang ateng! Alam mo na yun!" Pataas taas pa ng kilay na sabi n'ya.

"Wala nga! Malisyosa!"

"Eh 'di, ganito pa rin?" sabi n'ya at niyakap ang sarili. Peste!

"Wala nga!" Pero ang babaita, hindi talaga nagpaawat at sige pa rin.

"Ayieeee! Keleg keleg si Alexa!" Bago ko pa s'ya mahampas ay nakatakbo na s'ya palayo.

"Diaaaaa!" inis na sigaw ko.

Katatapos lang ng last class namin. Actually, wala naman pinagawa. Pinaalala lang yung mga kailangang gawin or requirements para sa amin dahil nga graduating na! Omo~ Ilang linggo na lang! Makukuha ko na yung diploma koooo~

Gusto ko sanang dumiretso sa restau para sa part time ko kaso nung huling punta ko which is kahapon...

Kadarating ko lang nang lapitan ako ni Erra, isang high school student na nagpa-part time din dito. Basta cute s'ya, maliit eh.

"Ate Alexa, pinapatawag ka ni Sir." sabi nya kaya nagtaka ako. Kadarating ko lang, anong meron?

"Bakit daw? Anong meron?" pagtatanong ko.

"Hindi sinabi eh basta sabi n'ya papuntahin ka daw sa office n'ya 'pag dumating ka at may importante daw s'yang sasabihin." paliwanag n'ya.

"Wala naman kasalanan, 'di ba?" pabulong na sabi ko s kanya kaya agad s'yang napailing.

"Nakakapagtaka nga din po at kayo lang ang pinatawag." Sheez. Ano kayang meron?

"Sige. Magtrabaho kana at makauwi ka ng maaga." Ngiti ko sa kanya, tumango s'ya at sinuklian din ng ngiti.

Hindi ko alam kung babagalan ko o bibilisan ko ang paglalakad papunta sa office ni Manager. Iba kutob ko eh. Sa huli, napagpasyahan kong bilisan para mabilis din akong makapagtrabaho.

That Cold And Possessive Mafia Boss [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon