Prologue

982 49 16
                                    


Prologue
Aano-Valiente Nuptials

El Emperio Bar, Gitnang Bayan
El Paradiso


"Pare, may naghit ng price sayo." bulong ni Shadow kay Dim.

Napangiti lang si Dim sa sinabi ng kaibigang si Shadow, at hindi na siya nagtataka dahil sa Gigolo Bar na pinagtatrabahuan niya dati may mga kumukuha na sa kanya. At karamihan naman babae na nagkakandarapa mag hit ng presyo niya kahit na nga ba game ang mga bakla na lakihan ang hitting price niya.

Si Dim ang tipo ng lalaki na ipaglalaban ng mga babae kahit na nga ba alam nilang mas galante ang mga bakla magpresyo ng lalaki, na ikinasisiya ni Dim.

Dahil kahit sa gigolo bar siya nagtatrabaho dati, mga babae ang client niya. Karamihan nga lang mga cougar pero dahil sa siyensiya nagmumukhang bata ang mga ito na kasing edad lang niya kung titingnan.

"Hindi mo ba itatanong kung sino ang nag hit at magkano?" bulong ni Shadow kay Dim.

Napangisi si Dim, nasa wedding sila ng pinsan niyang si Ash sa escort nitong nobya o asawa. Dahil ang totoo second wedding na ito ng pinsan niyang si Ash kay Diez, ang top escort ng El Casa na  kilalang entertainer agency sa buong bansa.

"Ito ang araw na ipinakilala ka bilang bagong mukha ng escort, at iba nga talaga ang dating mo sa lahat. Kasi kahit bakla ipinaglaban ang hitting price mo." sabi ni Shadow na ikinatingin ni Dim sa kaibigan.

"Ano?" gulat na sabi ni Dim kay Shadow, isa sa kagrupo niya na pinamumunuan ng pinsan niyang si Autumn, na pinakamatanda sa grupo.

"Pumayag sila na isalang ka dahil ang hitting price mo sa unang gabi ng pagpapakilala sayo ay 30M.

Ang 30M  ay sa isang araw lang na kinita ng Casa sayo na nakaschedule na." bulong ni Shadow na ikinanlaki ng mga mata ni Dim

Hindi nagtataka si Dim kung nasa milyon ang hitting price niya pero hindi pa siya umaabot ng 30M sa isang araw lang.

"Sino pumayag? Sinong sila?" tanong ni Dim.

Napatingin si Shadow at Dim sa Infinity Room kung nasaan ang buong grupo nila na nanonood mula sa baba ng bar, at ang dalawa ay nasa bahagi ng backstage kung saan napadaan lang si Shadow para sabihin ang nakuhang impormasyon kay Dim.

"Si Autumn at ang apat.....

.... kasama ang kapatid mo." bulong ni Shadow.

Napatiim ng bagang si Dim, nahati ang grupo nila dati pero nabuo naman uli iyon. Pero muli tulad ng inaasahan sa basong na nabasag may lamat iyon na hindi maibabalik pa sa dati. At alam niya isa siya sa gusto hawakan sa leeg ng pinsan niya. At alam din ni Dim na binigyan si Autumn ng kapangyarihan ng magulang niya para mapasunod siya.

"Papatusin mo ba?" tanong ni Shadow kay Dim ng hindi ito magsalita.

"Oo." sabi ni Dim.

"Sure ka?" di makapaniwalang sabi ni Shadow.

"Oo, naman. Hindi ako umuurong sa naka-hit ng price ko... kahit sino pa siya." sabi ni Dim ng biglang magulat ito ng hampasin siya sa braso ni Shadow.

"Kadiri ka, pare. Sa tumbong ka titirahin nun. Wasak iyang....

..  ewwww puwetan mo." nandidiring sabi ni Shadow.

H13 : The Callboy : Dim and Freya: CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon