Kabanata 3 : Maharlika
Quadro Party
El Emperio Bar, El Paradiso
"Hello, Dark." bati kay Dim ng isang bisita sa party na iyon ng mga pamangkin sa pinsan na ginaganap si El Emperio Bar.Napangiti si Dim, madaling araw at nasa taas na ang lahat ng miyembro ng grupo at ang iba sa mga bata sa grupo ay umuwi na. Nasa labas ng bar si Dim habang pinagmamasdan ang mga bisita na naglalabas masok sa bar na iyon.
"Sayang hindi ako ang naka-hit ng price sayo para sana mamaya." sabi ng babae kay Dim.
Napangiti muli si Dim, mula ng naging gigolo siya hindi siya nagkaroon ng relasyon o nobya, dahil para sa kanya sapat na ang mga naikakama niya na may bayad. At isa doon ang babaeng kaharap niya. Isang bilyonaryong model, na kaedaran niya.
"Cigar." alok ni Dim sabay abot ng sigarilyo sa babae na agad na kinuha nito.
"Ang mahal ng oras mo." mahinang sabi ng babae kay Dim na ikinatitig ng binata sa modelo.
"Kamusta ka?" tanong ni Dim sa babae.
"Okay lang. May gig ako sa ibang bansa next week." nakangiting sabi ng modelo kay Dim.
"Pupunta ako ng NYC next week." sabi ni Dim.
"Balita ko nga, naroroon din ako para sa modelling." sabi ng babae.
Napangiti si Dim, hindi sila naging magkasintahan ng modelong kaharap pero parang ganoon ang naging sistema nila. Iyon nga lang nagbabayad ang modelo para makasama siya.
"Ikakasal ka na daw." sabi ni Dim na ikinangiti ng modelo.
"Oo. Magiging bride na rin ako." sabi ng modelo na ikinahingang malalim ni Dim.
"Hazel, nag-enjoy ako kasama ka." sabi ni Dim na ikinangiti ng modelo.
"Ako din naman." nakangiting sabi ni Hazel.
"Salamat sa paghi-hit ng price sa akin. Malaki ang naiambag mo sa pagiging gigolo ko." sabi ni Dim.
"Hindi ka gigolo para sa akin." sabi ni Hazel na ikinaiwas ng tingin ni Dim ng titigan siya ng babae.
"Gigolo ako." sabi ni Dim.
"Nagtatago ka lang sa trabaho mo at kahit na binabayaran kita para makasama. Alam ko at naramdaman ko na parang naging tayo.
Iyon nga lang, nakikita kong gusto mo umiwas sa mga bagay na hindi ka pa handa kaya pinasok mo ang trabahong iyan." sabi ni Hazel.
"Masaya ako sa trabaho ko." sabi ni Dim.
"Alam ko, sino ba naman ang lalaking hindi magiging masaya sa pagiging propesyon ang pambababae.
Mautak ka, may halaga ka... literal na halaga. Pero tandaan mo, iba ang halaga sa isa pang salitang halaga." sabi ni Hazel na ikinatingin uli ni Dim kay Hazel
"Nagtatampo ka ba sa akin?" tanong ni Dim.
"Hindi ako nagtatampo sayo, kasi sabi mo nga ang lahat ay trabaho lang sayo at ako ang may kagustuhan na bayaran ka para makasama kita." sabi ni Hazel.
"Nag-enjoy ka naman di ba?" sabi ni Dim na ikinangiti ni Hazel saka ito napatango.
"Oo naman." nakangiting sabi ni Hazel pero bumakas ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa mga mata ni Dim.
"Aisssst. Huwag kang malungkot, ikakasal ka na." nakangiting sabi ni Dim sabay yakap kay Hazel.
"May bachelorette party ako at ikaw ang nirequest ko sa mga friends ko, kaso ang sabi nila may nakakuha na sayo at nakasked na. Schedule kung kailan ang bachelorette party ko rin sana." sabi ni Hazel na ikinangiti ni Dim
BINABASA MO ANG
H13 : The Callboy : Dim and Freya: Completed
RomanceHanggang saan ang kasiyahan ng regalong inihandog? ✍️✍️✍️✍️ All images, songs, videos are credits to the owner. Original novel by Rose Chua Plagiarism is a Crime Do NOT Copy Date Started : January 13, 2022 Date Completed : January 26, 2022 Highest R...