Kabanata 5 : Princess in the Dark

725 47 13
                                    

(Play the song for this chapter just click the play button)

Kabanata 5 : Princess in the Dark
Palacio Residencia, Manila

"Nandiyan na si Freya." excited na sabi ni Divine ng bumungad ito ng pintuan kung saan hinintay ng iba si Freya matapos sa rituals nito sa paliligo na umaabot ng kalahati hanggang isang oras.

"Ano naman iyan mga bakla?" nakangiting sabi ni Freya ng bumungad ito sa pintuan ng malaking kuwarto at ng mapatingin sa mga nakakumpol na mga kaibigan.

"Iyan na" sabi ni Dorothy sa kaibigan habang nagseselebra ng bachelorette party nito.

"Bakla ka, baka pangit yan at mukhang maton na tipo mo." sabi ng babae sa baklang kasama ni Freya na nasa likuran ng dalaga.

"Hoy, mahal ang binayad ng grupo sa lalaking' yan na nakuha pa namin sa sikat na El Casa." sabi ng baklang si Dorothy.

"Magkano?" tanong ng babae na kasama din ni Freya, habang nakatingin sa malaking kahon na may ribbon pa.

"Huwag mo ng itanong dahil milyon ang halaga ng lalaking yan." sabi ni Dorothy.

"Siguraduhin mo rin lang na milyon ang ibibigay na kasiyahan niyan sa akin bago ko pakasalan ang nobyo ko." nakataas kilay na sabi ng babaeng nagngangalang Freya.

"Baka umurong ka sa kasal ghurl kapag nakita mo yan." sabi ng bakla.

"Huh! Wala ng hihigit pa kay Benedict." sabi ni Freya pero napatingin ito ng palihim sa kahon na korteng bote saka ito napangisi.

"Maupo ka dito." sabi ni Dorothy kay Freya.

Nasa malaking kuwarto ang tropa sa malaking bahay na iyon ni Fraya kung saan inayos ng mga kaibigan nito ang lugar para sa party.

Napatingin si Freya sa buong kuwarto, maganda ang pagkakaayos ayon sa panlasa niya at alam niyang mamahalin ang mga bulaklak na na nakadesign na kulay pula at pink may mga ribbons at mga tela na dekorasyon na alam din niyang mamahalin.

May nakaprepara din na pagkain na nasa mahabang mesa na inorder pa sa mamahaling catering services.

Nasa gitna ang malaking sofa kung saan ilang metro lang nakatayo ang malaking kahon na bote ang style.

"Ayos ha, effort." napangiting sabi ni Freya sa isip habang pinagmamasdan ang kahon na halatang mamahalin ang pagkakayari. Nakabalot ito sa mamahaling papel na nag-anyong tila isang bote nga ng alak ang istilo, mabango ang ginamit na sa paggawa ng materyales at may ribbon na nakapulupot sa kahon.

Nang ilang sandali pa sa pagmamasid ni Freya napakunot ang noo nito ng makita ang mamahaling bulaklak na nakapulupot sa ulo ng kahon na bote.

"Wow, mamahaling bulaklak at ang paborito kong bulaklak." nakangiting sabi ni Freya ng makita ang bulaklak na nakabungkos at nakaribbon pa sa ulo ng kahon na korteng bote.

May napansin din si Freya na tarheta pero hindi niya mabasa ang nakasulat. Umupo si Freya sa mahabang sofa saka napatingin sa mga kaibigan na nakatitig sa kanya at alam niyang binabasa ng mga ito ang reaksyon niya.

"Ahhhh. Buksan na natin." sabi ng mga kasama ng dalawa na nagsisiunahan umupo sa gilid ng bride to be.

"Langya ka bakla ang laki ng harbat mo sa amin." sabi ng isang babae kay Dorothy.

Napatingin ang bride-to-be, bente sila magkakaibigan na may mga babae at bakla. Lahat professional at mga mayayaman. Magkakaklase sila mula pa noong highschool at galing sa mayayamang pamilya sa bansa.

H13 : The Callboy : Dim and Freya: CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon